Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matt, Carlo, Shyr at Rei Tan, sanib-puwersa sa opening ng 12th branch ng BeauteDerm

BINUKSAN na ang 12th branch ng BeauteDerm last January 18. Nag-grand opening ang BeauteLab by BeauteDerm na matatagpuan malapit sa Fariñas Trans Terminal sa Lacson Avenue, Manila sa pangunguna ng ilan sa endorsers nito na sina Matt Evans, Carlo Aquino, Shyr Valdez, at ang CEO/owner ng BeauteDerm na si Ms. Rei Tan. Available sa store ang iba’t ibang produkto ng BeauteDerm.

Masaya si Matt dahil nagsisimula na siyang sumabak sa negosyo. “Ito po ‘yung BeauteLab by BeauteDerm, pang-twelve na branch po ito ng BeauteDerm dito sa Filipinas at kauna-unahan po rito sa Manila. Pero ang BeauteDerm po distributed po nationwide at sa international po,” aniya.

Saad ng magaling na aktor, “Sobrang overwhelming ang pumasok sa business, pero stressful din po. Pero good stress naman kasi nga negosyo na kumikita ka, at the same time nag-e-enjoy ka. Hindi pa nga nakatayo ‘yung store ng BeauteDerm, ang dami nang umo-order. Iyan po ang pinagkakaabalahan ngayon ni misis. Marami na po kasi talaga ang users ng BeauteDerm.”

Bale sinabay na rin dito ang isa pang business ni Matt, ang Potato King, na katabi lang ng BeauteLab.

Ipinahayag ni Ms. Rei, ang kabutihan na may sariling negosyo ang mga ambassador niya sa BeauteDerm. “Kasi sabi ko sa kanila, iba pa rin iyong may sarili kang negosyo. Kasi, dati rin naman akong emplyeado na naghihintay ng suweldo buwan-buwan. E ang negosyo talaga, once na nakuha mo na at dagdagan mo lang ng sipag at tiyaga, so, ayan, itinuloy na ni Matt ang kanyang BeauteLab.

“So, susunod na si Carlo. Actually, si Carlo kaya hindi nakakasama sa atin, kasi nga, ‘di ba may teleserye siya noon? Kaya naging busy, kaya hindi ko siya nahahatak before. Ngayon na medyo nagpo-promote siya ng bagong movie niya, nakuha ko rin siya sa wakas kaya natin siya kasama. Pero dati ko pa siyang BeauteDerm ambassador.”

Idinagdag ni Ms. Rei na siya ang tipo ng businesswoman na ang kinukuhang endorser ay mga gumagamit talaga ng BeautDerm at siya ang tipo ng marketing person na walang false advertising na sinasabi.

Anyway, si Matt ay mapapanood sa Sherlock Jr ng GMA-7 at tulad ni Carlo ay kasali rin sa pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral ni Paulo Avelino. Si Carlo naman ay tampok sa pelikulang Meet Me In St. Gallen under Spring Films and Viva Films, kasama si Bela Padilla.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …