Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rafael Centenera, bagong single ang Miss Bonita

ANG tinaguriang Romantic Balladeer na si Rafael Centenera ay may bagong single. Pinamagatang Miss Bonita, ito’y isa sa bagong komposisyon na naman ni Blanktape.

Si Rafael ay beteranong performer sa lounges sa Japan at Malaysia, na sa gulang na 18 ay nagsimulang mag-perform sa Japan at tumagal nang ten years. Tapos na ang kanyang stint sa Tokyo, nagpunta siya sa Kuala Lumpur at naging regular performer sa Regent Hotel. Nag-record siya roon ng albums para sa EMI Malaysia at naging kilala noon sa romantic ballad na Missing You ng Malaysian composer na si Eric Boon. Ito’y naging big hit nang ini-release sa Filipinas noong late ‘70s.

Kilala rin sa tawag na Mr. Romantiko, siya ay nagkaroon rin ng ibang albums sa mga major record labels na karamihan ng kanta ay isinulat ng beteranong kompositor na si Vehnee Saturno.

Pagbabalita ni Blanktape, “May bago siyang single na madalas marinig sa mga radio nationwide, ito’y ang Miss Bonita na isinulat ko po. Ang maganda rito ay hindi ‘yung katulad ng mga inilabas niya noon, kasi ang kanta ay reggaeton/love song na pang-millennials. Iyong tipong parang Despacito, kaya nakaiindak siya kahit love song at bagay sa kanya. Kasi ang song ay mix na Tagalog and Chavacano, na sakto sa kanya, kasi po si Rafael ay Filipino-Spanish.

“Dumarami na rin ang views nito sa YouTube at by next month ay lalabas na rin ang music video nito. Ang Miss Bonita ay under Mabalasik Music po.

“Regular guest din siya sa DZRH’s Andy Verde radio program, gabi-gabi rin pinapatugtog ang Miss Bonita roon. Nakasama na rin ni Rafael Centenera ang mga beteranang singers tulad nina Pilita Corrales, Eva Eugenio at iba pa,” mahabang kuwento pa ni Blanktape.

Dagdag ng rapper/composer, “Perfect po itong piyesang Miss Bonita sa kanya, na parang Tom Jones style siya. Bale new image, new music, at gigolo style. But, nandoon pa rin ang pagiging romantiko niya. Collaboration din namin ito ni Mr. Rafael, bale nag-rap ako rito and masasabi ko sir na kakaibang tunog po ang mapapakinggan dito.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …