Saturday , November 23 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Balon na may gripo may duwende rin

Muzta po Señor,

Nagtext ako dahil sa panaginp ko, may nakita dw ako balon at nilapitan ko may gripo, nagtaka ako bakit may gripo, tapos ay nagulat ako, may duwende roon. Iyon na po, sana ay mabasa ko sa HATAW, ‘wag n’yo na llgay cp ko, I’m Yollie

To Yollie,

Kung sa iyong panaginip ay nakakita ng balon, ito ay nagre-represent ng ukol sa i­yong hidden abilities at talent na hindi pa lumalabas o hindi pa kinikilala. Ang balon ay maaari rin namang simbolo ng lalim ng iyong emosyon. Maaari rin namang ito ay magsilbing depository ng iyong emosyon at kung paano mo sinisikap o sinusubukan na i-suppress ito.

Kapag naman naghuhukay ng balon sa iyong panaginip, ito ay nagpapakita na labis kang nagsisikap na mailabas ang katotohanan sa mga suliranin na bumabagabag sa iyo nang husto. Nagsasaad din ito na sobra kang nagsisikap o sobra kang abala sa paghahanap sa iyong sarili o sariling identity, reputasyon, o ng iyong self-identity.

Alternatively, ang panaginip mo ay nagsa-suggest na sinusubukan mong malaman ang ugat ng ilang isyu na mahalaga sa iyo. Posible rin na ito ay isang metaphor na may himig ng pang-iinsulto. Posible rin na nagsasabi ang panaginip mo na dapat kang maging mas open-minded at tanggapin mo ang mga bagong idea.

Ang gripo o faucet naman sa iyong panaginip ay nagsasaad ng kontrol sa iyong emosyon. Ikaw ay conscious kung anong emosyon ang pinababayaan mong ipaha­yag o ipakita ng iyong sarili. Ito ay nagpapakita ng iyong magaling na self control at kakayahang i-on and off ang iyong damdamin segun sa iyong kagustuhan at pa­ngangailangan.

Kung ang tubig sa gripo ay masyadong mainit o masyadong malamig, ito ay maaa­ring analogous sa isang sitwasyon o rela­syon sa iyong buhay sa estadong ikaw ay gising.

Kapag naman sa panaginip ay hindi mo mabuksan ang gripo o walang tubig na lumalabas sa gripo, ito ay nagsasabi na kai­langan kang mas maging maingat sa paghahandog ng emotional support dahil baka naman ito ay lumalabis na.

Alternatively, ito ay posibleng nagpapa­kita rin ng sadness and depression. Kapag nakakita na may tagas o tumutulong gripo sa iyong bungang-tulog, ito ay nagre-represent naman ng sexual issues and problems.

Alternatively, ito ay nagsa-suggest din na ikaw ay nakadarama ng pagiging emotionally drained na. May isang bagay, pangyayari, o isang tao na nagiging sanhi ng pagkakasadlak mo sa ganitong kalaga­yan.

Kapag nakakita ng duwende sa iyong panaginip, ito ay nagsa-suggest na ikaw ay well-grounded and connected to nature and the earth. Alternatively, ang ganitong uri ng bungang-tulog ay maaaring mangahulugan din ng hinggil sa aspekto sa iyong sarili na hindi pa lubos na nade-develop or has been repressed.

Posible rin na ang ganitong klase ng panaginip ay nagsasabi na sa pakiwari mo, ikaw ay nakadarama ng pagiging inferior or insignificant. Alisin sa iyong isipan at sistema ang mga bagay na inaakala mong iyong kahinaan o ito ay nagiging daan upang maging maliit ang iyong kompiyansa para sa sarili.

Mas mabuting mag-focus ka sa mga positibong bagay kaysa mga negatibo. Laging isaisip na nasa kamay mo ang ikagagaling at ikagaganda ng iyong kapalaran, kailangan lang nang maingat at tamang pagpapasya, lalo sa mahahalagang bagay.

Señor H.

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *