Monday , November 25 2024

Sikreto ng Regal kaya tumatagal, nagdidiskubre ng mga bagong talent

TALAGANG doon sa mga kinikilalang malalaking producers noong araw pa, ang pinakamatibay ay ang Regal. Katatapos lamang ng MMFF na nakasali ang pelikula nilang Haunted Forest, ngayon naman ipalalabas ang isang bago nilang pelikula, iyong Mama’s Girl. Kaya sunod-sunod, kasi naman kumikita ang lahat ng pelikula nila. Hindi siya top grosser, pero kung iisipin mo, baka mas malaki pa ang kinita nila dahil ang mga nakalaban nila, gumastos naman ng sobra-sobra.

“Hindi rin kami nagtitipid sa pelikula namin, kaya lang ang Regal, since the beginning talagang nagbibigay kami ng break sa mga newcomer. Noong una pa, hindi ba we discovered the Regal babies, lahat iyon naging big stars. We believe in giving new stars the break kasi kung hindi natin gagawin iyon, darating ang araw wala na tayong artista sa pelikula. Stars also get old. Mayroon namang iba na pumapasok na sa ibang field.”

“Halimbawa si Vilma Santos, o si Goma (Richard Gomez), parehong pumasok sa politics. Kung wala ka ng ibang stars, paano mabubuhay ang industry? Paano mabubuhay iyong ibang workers kung wala ng artista?

“Kaya sa Regal we make it a point to always discover and help new talents. Halimbawa iyang si Sylvia Sanchez na bida sa ‘Mama’s Girl’, nag-umpisa talaga siya sa Regal, and look where she is now. Iyon din ang nakita kong potentials ni Diego Loyzaga at ni Sofia Andres, kaya I gave them the break,”sabi pa ng producer.

Kung iisipin mo nga naman, mukhang iyon ang sikreto kung bakit tumatagal din ang Regal, nakikita nila ang potentials ng mga baguhan na maaaring maging big stars pagdating ng araw. Ngayon kung titingnan mo, mahigit na kalahati ng bilang ng mga sikat na artista, nagsimula talaga sa Regal.

Kaya tama si Mother Lily Monteverde sa pagsasabing, “we do not only make quality movies, we also make big stars,” na mabilis naman niyang sinundan ng ”don’t quote me,” dahil baka nga naman sabihin nagyayabang siya pero totoo naman eh.

RnB MUSIC NI JAMES,
MAKALUSOT KAYA?

TALAGANG maliwanag na isinusugal ni James Reid ang kanyang career at popularidad sa gagawing concert, kasama si Nadine Lustre sa Araneta Coliseum sa February 9. Kay Nadine, wala namang mawawala eh. Ang pressure na kay James, kasi siya iyong sikat na singer eh, tapos ngayon ipinakikilala niya ang bagong type of music, na sinasabi niyang talagang musika niya.

Inamin din naman niya na sumikat ang mga nauna niyang album na naglalaman ng pop songs. Ngayon ang laman ng kanyang album at siya rin niyang kakantahin sa concert niya ay tipong RnB. Naroroon iyong risk na baka manibago ang kanyang fans, pero iyon nga ang dahilan kung bakit tinawag din nila ang concert na iyon na Revolution.

Sana makalusot siya, dahil kung hindi mahirap na namang bumawi.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *