Sunday , December 22 2024

“Back to the future” ang MMDA sa Hi-way 54

NAPAGKASUNDUAN daw ng mga opisyal na walang sentido-kumon sa Metro Manila Deve­lopment Auhtority (MMDA) at local mayors na magpatupad ng bagong speed limit sa EDSA.

Para saan ang kagaguhang ito na naisipang ipatupad ng MMDA?

Mula sa dating 60 ay ibababa na sa 50/kph ang ipatutupad na speed limit sa mga bumibiyaheng sasakyan sa kahabaan ng EDSA upang maiwasan umano ang mga aksidente.

Kailangan pa ngayon nating gumamit ng microscope para lang alamin kung may utak ang gunggong na nakaisip ng ideyang ito.

Hindi ba parang ‘back to the future’ ang naisip na batas ng mga damuho na mas nababagay noong Highway 54 pa ang tawag sa EDSA?

Noon, bukod sa kakaunti ay mabagal pa talaga tumakbo ang mga dating modelo ng saksak­yan sa Hi-way 54.

Sa madaling salita ay paurong ang utak ng mga master planner sa MMDA kaya’t atrasado na sa panahon ang batas na naisipang ipatupad.

Kung kukuwentahin kasi natin, sa bilis na 50/km per hour ay kayang takbuhin ng sasakyan sa loob ng 10 minuto ang may 24 kilometrong layo ng EDSA.

Pero ang problema nga ay kailangan araw-araw ay may himala sa EDSA para makausad sa 50/km per hour ang mga sasakyan dahil sa teribleng trapik na ni minsan ay hindi pa nagawang lunasan ng MMDA sa loob nang mahabang panahon.

Baka sakaling mas maging makatotohanan pa kung ang speed limit ay ibababa ng MMDA sa 5/km per hour.

Utak pala ang unang dapat binili ni Chairman Danny Lim imbes sombrerong beret na isinusuot ng mga MMDA sa kanilang ulo na walang laman. Ha, ha, ha!

Mas kailangan siguro ni Asst. Gen. Manager Jojo Garcia at ng mga tauhan ni Gen. Lim sa MMDA ang bitamina na pampataba ng malnourished na utak, kaysa mag-imbento ng mga walang kabuluhang batas.

Lutasin n’yo muna ng MMDA ang pangongotong sa mga illegal terminal at illegal vendors para lumuwag ang mga kalsada.

Period!

SALOT NA ILLEGAL
TERMINAL SA LAWTON,
PINALAWAK PA!

IMBES masawata ay lalo pang lumawak ang salot na illegal terminal na pinatatakbo ng sindikato sa Plaza Lawton na sakop ng Bgy 659-A ni Chairwoman Ligaya V. Santos.

Nakubkob na rin ng mahabang kamay ng sindikato pati ang kalapit na barangay.

Noong Oktubre, sa pangunguna ni Gen. Lim, ay matatandaang nilusob (kuno) ng MMDA ang illegal terminal ng mga pampasaherong bus at van sa barangay ni Santos pero makalipas lang ang isang buwan ay muling nagbalik sa ilegal na ope­rasyon.

Sa panayam sa kanya ng isang programa sa DZMM, matatandaang nagbanta pa si Gen. Lim na kakasuhan ang mga nasabing barangay kapag muling nakabalik sa lugar ang binuwag na illegal terminal.

Pero hindi lang basta muling nakabalik kung ‘di naragdagan at mas dumami pa ang mga pumaparadang sasakyan, ultimo ang P. Burgos interchange na patungong Jones Bridge ay ginagawang terminal ng mga pampasaherong jeep ngayon.

Papayag ba si Santos at mga kasamahan ni­yang opisyal sa barangay na makasuhan kung wala silang pakinabang sa illegal terminal at illegal vendors na nagpapasikip ng trapiko?

Ang karugtong na bagong illegal terminal ay sakop ng barangay sa Intramuros sa tapat mismo ng Manila City Hall.

LAPID FIRE SA DZRJ
8:00 AM TO 9:00 AM

SIMULA ngayong araw (Dec. 11), ang ating programang “Lapid Fire” ay mapapakinggan sa bago nitong oras, mula 8:00 am – 9:00 am, Lunes hanggang Biyernes, sa Radio DZRJ (810 Khz/AM).

Pakinggan ang mga umuusok na talakayan sa maiinit at napapanahong issue sa ating programa kasama sina Peter Talastas at Lolipop.

Sabayang mapapanood sa buong mundo ang Lapid Fire sa Facebook via live streaming ng DZRJ 810 AM – Voice of The Philippines kasama sina Peter Talastas at Lolipop.

Maligayang pakikinig at maraming salamat po sa patuloy na pagtangkilik!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

 

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *