MARAMI ang humahanga kay Coco Martin. Muli kasi niyang binuhay ang mundo ng action sa pamamagitan ng kanyang teleseryeng napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, ang FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN at ang entry niya sa Metro Manila Film Festival 2017, ang Ang Panday na mapapanood na sa December 25.
Halos wala na kasing nagpo-prodyus ng action movies simula noong nagkaroon ng mga pekeng CD. Sino pa ng aba ang magpo-prodyus ng mga pelikulang aksiyon kung bago ipalabas sa mga sinehan ay nauuna pang lumabas sa mga bangketa.
Mabuti at malakas ang loob ni Coco, nilabanan ang mga sindikatong kumokopya ng pelikula. Kung hindi kay Coco, baka wala ng aksiyon-drama sa telebisyon dahil na-invade na ng mga kabaklaang istorya.
Ang iba namang palabas sa TV ay walang kalatoy-latoy na halos simula pa lamang ay alam mo na ang kahihinatnan ng istorya..
Nagbubunyi rin ang mga dating artista na ngayon ay napapanood muli sa pamamagitan ng teleserye ni Coco. Gayundin ang mga stuntman na naging masigla muli ang mga karera.
Dahil dito, si Coco ang itinuturing nilang makabagong Santa Claus. (VIR GONZALES)