Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Privacy, hiniling ng pamilya ni Isabel

MARAMI ang nagtatanong tungkol sa kalagayan ngayon ni Isabel Granada. Although gusto nga naming posted kayo sa lahat ng nangyayari, talagang mabagal ang development ng ganyang sakit.

Usually magkakaroon lamang ng mga resulta matapos ang dalawa o tatlong linggo, kung hindi nga matindi ang damage na nilikha ng kanyang brain aneurysm.

Pero sa kaso ng ini-report na una tungkol kay Isabel, maliwanag na nagkaroon na umano ng internal hemorrhage, ibig sabihin pumutok na ang kanyang ugat sa utak, at iyon ang naging dahilan din ng pagkakaroon niya ng sunod-sunod na cardiac arrest.

Pero hindi namin sinasabing wala nang pag-asang maka-recover si Isabel. May mga kaso ng aneurysm na nakababawi ang pasyente.

Bagamat sinasabi nga ng statistics na 40 porsiyento ng tinatamaan niyan ay namamatay, may 60 porsiyento naman ang nakababawi bagamat masasabi ngang nagkaroon na ng problema. Ang iba sa kanila ay nabubulol na sa pagsasalita, karaniwang nakadarama na ng panghihina, at iba pang mga kaugnay na karamdaman. Pero nakababawi pa rin.

Sa ngayon walang masyadong update, dahil hiniling ng kanyang pamilya na magkaroon naman sila kahit na kaunting privacy.

Hiningi rin nilang sa ngayon ay tulungan silang ipanalangin sa Diyos na sana nga ay malampasan ni Isabel ang pagsubok na iyan. Ayaw naming gumawa ng mga speculation. Kagaya nga ng sinasabi namin noon pa, ang propesyon namin ay paghahatid ng balita, hindi ang “pagkoryente” sa mga mambabasa namin.

Subukan ninyong maglabas ng “koryente” rito sa Hataw at tingnan ninyo kung ano ang gagawin sa inyo ni Maricris Nicasio. Hindi na rin kayo kailangang magtaka kung matadyakan kayo ni Boss Jerry Yap. Bawal ang “kuryente” rito.

Hindi pinapayagan ang fake news. Kung iyong iba “deadma” na lang matapos na maglabas ng fake news, dito sa Hataw hindi puwede iyan. May kalalagyan ka. Kaya hindi tayo dapat gumagawa ng speculations. Pero may mga contact tayong mga news correspondents ng mga international news agencies sa Qatar na nakaugnayan natin sa internet at nangakong magpapadala kung ano man ang lehitimong medical bulletin na ilalabas ng Hammad General Hospital tungkol kay Isabel. Tandaan ninyo, opisyal na medical bulletin lamang ang aming pinaniniwalaang source. Hindi kami nakikibalita sa Meralco o sa Napocor at WESM.

ROBIN AT SHARON,
SUPPORTING LANG
SA JOSHLIA

MUKHA ngang ang kalalabasan, ang love story ay iikot sa mga youngstar na sina Joshua Garcia at Julia Barretto, at sa aminin man nila o hindi, nakasuporta lamang sa kuwento sina Sharon Cuneta at Robin Padilla. Pero siyempre sa billing ay tiyak na nasa itaas sina Sharon at Robin.

Palagay naman namin dapat tanggapin na nila iyon. Mas weird namang lalabas kung sina Sharon at Robin ay ibebenta pa as love team gayung may mga asawa na sila at may edad na rin naman sila. Hindi na bagay para sa isang love story. May manonood ba naman ng love story ng may edad na?

Dumating na rin naman ang panahon na kailangang tanggapin ng mga artistang nagkaka-edad na at bababa na sila sa mga supporting role. Ganoon naman talaga ang nangyayari eh. Lalo pa nga sa kaso nila na pareho namang hindi naging maganda ang resulta ng kanilang nakaraang pelikula.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …