Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy Guapa, positibo — Alam ko gigising ang anak ko

WALA namang mali kung may naniniwala man sa isang milagro. Pero mukhang iyon ang inaasahan ng pamilya ni Isabel Granada. Sinasabi ng kanyang dating asawang si Jericho Aguas na ”malapit na pong magkamalay si Isabel.” Ganoon din naman ang paniniwala ng kanyang ina, si Isabel Castro, o mas kilala sa tawag na Mommy Guapa. Sinasabi niyang ”alam ko gigising ang anak ko.” 

Hindi naman tumitigil ang mga nagdarasal para kay Isabel, in fact kahit na nga sa Qatar mismo, may isang grupo ng mga Filipino na nagtipon-tipon sa isang misa na pinangunahan din ng isang paring Filipino na ang idinadalangin sa Diyos ay gumaling si Isabel. Hindi mo talaga masasabi kung ano ang kalalabasan kung ganyan na katindi ang pananalangin para sa kanya. Rito rin naman sa Pilipinas, ang mga dati niyang kasamahan sa That’s Entertainment ay narinig naming nagdarasal din at tumatawag sa kanilang mga kakilala at humihingi rin ng dasal para kay Isabel.

Pero siguro nga masasabing may nagaganap nang himala dahil sinasabi ngang naging normal na ang kanyang blood pressure ngayon, at bumaba na rin ang dati ay napakabilis na tibok ng kanyang puso, mula 158 ay naging 98 na lamang, at iyon ay normal na heartbeat na. Medyo mabilis pa rin dahil ang normal na heartbeat ay mula 60 hanggang 100, pero pasok na iyon sa normal.

Ang kailangan ngayon, kung magiging normal na ang kanyang kalagayan ay maoperahan nga siya para maalis kung may namumuo mang dugo sa utak niya, sanhi ng pagsabog ng isang ugat. Kung maisasagawa na iyon, at saka lang masasabing on the way to total recovery na siya.

Hindi mabilis ang paggaling ng ganyang karamdaman, at malaking gastos iyan. Tiyak na kakailanganin ng pamilya ni Isabel ang maraming tulong mula sa mga nagmamahal sa kanya. Kung maisagawa naman nang maayos ang operasyon, sinasabi nga ng mga espesyalista na sa ngayon mataas na ang chance na maging normal ulit ang lahat para kay Isabel.

Nagpapasalamat naman ang mga nagmamahal sa kanya na hindi totoo ang nadiyaryo pang fake news tungkol sa kanya. Salamat na lang at “kuryente” lang pala iyon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …