Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atak Araña, humahataw ang showbiz career!

HUMAHATAW ngayon ang showbiz career ng komedyanteng si Atak Araña. Bukod kasi sa mga regular shows niya sa Kapuso Network, may bagong pelikula rin siya. Plus, ibinalita rin sa amin ni Atak na next month ay lalabas na ang kanyang music video.
“Iyong music video ko, soon ang release… next month, by November out na ang music video ko. Bale ang title nito ay Attack na si Atak. Ito ay composed by Bry Aquino. Novelty song po ito, fastbeat po para masaya at ito ay under ng Viva Records,” saad sa amin ni Atak.
Ibinalita rin niya sa amin ang bago niyang pelikula. Ayon kay Atak, sobrang nakakatawa ang pelikula nila na tinatampukan ni Empoy Marquez at habang ginagawa ito ay sumagi sa isip niya ang namayapang blockbuster director na si Wenn Deramas.
“Ang new movie ko po kuya ay iyong The Barker na pinagbibidahan ni Empoy Marquez at directed by Dennis Padilla. Iyong official trailer nito ay labas na at sobrang masaya itong pelikula namin.
“Bale ang role ko po sa movie, sidekick ako ni Empoy dito. Ang movie namin ay sobrang nakakatawa, parang si Direk Wenn (Deramas) ang style ni direk Dennis (Padilla) sa pagdidirek ng pelikula. Ang saya-saya namin sa set, grabe! Sana maging blockbuster din itong movie namin, tulad ng mga movie ni Direk Wenn.”
Bakit mo nasabing parang si Direk Wenn si Dennis Padilla bilang direktor? ”Kasi si Direk Dennis, ibinabato niya lang sa akin ang lines ko, tapos ang bilis ng shooting namin at masaya talaga. So, parang si direk Wenn din siya, ganoon din kasi si Direk Wenn. Kaya na-miss ko tuloy si Direk Wenn, actually ay miss na miss ko na talaga si Direk Wenn, e,” wika pa ni Atak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …