Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Loren Burgos, mas nakakaramdam ng challenge sa kontrabida role

OKAY lang sa Kapamilya aktres na si Loren Burgos na malinya sa pagiging kontrabida. Ayon kasi kay Loren, mas nakadarama siya ng challenge sa mga ganoong role.
“Ako basta consistent lang po ang trabaho, kahit kontrabida palagi ang role ay okay lang. Pero sana mapunta rin po ako sa comedy, kasi hindi pa po ako naha-hire for a comedy project,” saad ni Loren.
Sakaling malinya ka bilang kontrabida, okay lang ba sa iyo iyon?  
Tugon niya, “Okay lang sa akin, challenging, e. As in laging consistent ‘yung trabaho, kasi challenging ‘yung role talaga, kaysa naman laging mabait. Ang kontrabida kasi, laging masama ‘yung iniisip, parang hahaha! Maano siya e… iba-iba ‘yung puwede niyang gawing atake sa role.”
Sino ang peg mo kapag ganoon na kailangan kang magpaka-bad girl o bitchy bitchy roles? “Ako gusto ko lang si Cherie Gil, saka Teresa Loyzaga. Ang galing din kasi nila e, so parang ganoon siguro ang peg ko.”
Sa ngayon, isa si Loren sa bagong talent ng GEMS Multimedia Events & Production Incorporated ni Atty. Jemina Sy. Ang ilan sa kasama niya sa GEMS ay sina Jerico Redrico, Allen San Miguel, Alliyah Cadeliña, Michael Diamse, Clara del Rosario, ang napakaseksing si Abby Poblador, Dominic Ramos, at VJ Mendoza.
Saad ni Loren, “Sa Star Magic pa rin ako, magiging co-manager ko po ‘yung Gems. Sabi nila ay may movie akong gagawin sa kanila, kaya excited na nga ako. Plus, ang bait ni Atty. Jemina Sy, sobrang cool niya.”
Dagdag niya, “Sayang nga, dapat daw ay kasama ako sa movie’ng The Barker na pinagbibidahan ni Empoy Marquez, kaya lang ay nahuli ako ng pasok sa Gems.”
Si Loren ay bahagi rin ng casts ng pelikulang The Fallback ni direk Jason Paul Laxamana na tinatampukan nina Zanjoe Marudo, Rhian Ramos, at Daniel Matsunaga. Kasama rin siya sa movie nina Angel Locsin at Angelica Panganiban na wala pang titulo. Isa rin si Loren sa mapapanood sa forthcoming TV series sa ABS CBN 2, titled All That Matters na pinagbibidahan nina Sylvia Sanchez, Teresa Loyzaga, Sue Ramirez, Ariel Rivera, Arjo Atayde, Nikko Natividad, at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …