MASUSING sinisiyasat ng mga awtoridad sa Geneva kung saan nagmula ang 83,000 Euros katumbas ng P5 milyon, na bumara sa inidoro ng isang banko at tatlong restaurant.
Ayon sa mga awtoridad, bagama’t hindi umano krimen ang pagtatapon ng pera sa inidoro, sinabi ni Vincent De-rouand, tagapagsalita ng prosecutors sa Geneva, nais nilang malaman kung saan nanggaling ang pera.
“We are not so interested in the motive but we want to be sure of the origin of the money,” pahayag ni Derouand.
Sa ulat ng Tribune de Geneve, unang nagbalita sa insidente, nangyari ang unang pagbara ng pera sa isang palikuran sa UBS bank (UBSG.S).
Pagkaraan ay nagkaroon din ng katulad ng insidente sa tatlong restaurant sa kalapit na lugar na tig-500-euro notes ang nakitang nakabara.
Ayon kay Derouand, may dalawang tao na na-kipag-usap at nakipag-a-reglo umano sa mga may-ari ng mga restaurant para iurong ang reklamo kaugnay sa insidente na nangyari noong Mayo.
Idinagdag niya na kinompiska ang mga nakuhang pera na nakabara at hindi pa malinaw kung kanino ito isasauli kapag natiyak na walang iregula-ridad sa pinagmulan ng pera.
Wala pa raw dahilan ngayon na isipin na “dirty money” ang mga pera, ayon sa opisyal.
Magugunitang sinabi ng European Central Bank noong nakaraang taon, ititigil na ang paggamit ng 500-euro note dahil sa pa-ngamba na nagagamit ito sa ilegal na gawain tulad ng money laundering.
Hindi pa naglalabas ng pahayag ang UBS tungkol sa insidente, ayon sa ulat.
(REUTERS)