INILUNSAD muli ang mushroom production training ng Senate Committee on Agriculture at Villar SIPAG Farm School sa Bacoor City, Cavite.
Kaugnay nito, hinimok ni Senadora Cynthia Villar ang mga nais sumali sa two-month training tuwing Martes, 8 am-12 noon.
Ang training partner para sa mushroom production training ay Myrna’s Miraculous Mushroom na nagmula sa Trece Martires City, Cavite.
Ang trainors ang magtuturo sa mushroom farmers kung paano mag-culture ng tissue ng mushrooms, spawn preparation, pag-aalaga ng tumutubong mushrooms, paggawa ng mushroom by-products at paghahanda ng mushroom farm/house.
Habang katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagtuturo ng marketing strategies, business set-up at product labeling at packaging.
Isinusulong ang training programs lalo sa mga nagtataguyod ng food security at food sustainability.
(CYNTHIA MARTIN)