Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tagisan ng talino sa ispeling sa Filipino, bukas na!

Magtatagisan sa ispeling sa Filipino ang mga mag-aaral sa Ikaanim na Baitang  ng mga paaralang publiko at pribado sa Pambansang Paligsahan sa Ispeling: IISPEL MO! na isasagawa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Kapisanan ng mga Superbisor at Guro sa Filipino (KASUGUFIL).

 Pangungunahan at pangangasiwaan ng Kalupunan ng mga Direktor ng KASUGUFIL at KWF ang pagsubaybay sa isasagawang paligsahan sa antas dibisyon at antas rehiyonal sa buong bansa. Ang magwawagi sa rehiyon ang maglalaban-laban para sa antas pambansa na gagawin sa 28–30 Nobyembre 2017 sa National Educators Academy of the Philippines (NEAP), DepED, NCR, Lungsod Marikina.

 Makatatanggap ang mga magwawagi sa antas pambansa ng mga papremyong cash, plake, at tropeo mula sa KWF. Ang mga gantimpala sa mga mag-aaral ay ang sumusunod: una, P35,000.00; pangalawa, P25,000.00; pangatlo, P15,000.00; pang-apat, P10,000.00; at panlima, P5,000.00. Ang mga tagapagsanay ng mga magwawagi sa antas pambansa ay makatatanggap din ng sertipiko at cash.

 Noong 2016, Itinanghal si Karla Rhea C. Abella ng Mababang Paaralan ng Pataya, Solano, Cagayan bilang kauna-unahang kampeon sa Pambansang Paligsahan Sa Ispeling: Iispel Mo! Pumangalawa si Gichelle Mirachle C. Burwell ng Mababang Paaralan ng Palanan ng Lungsod Makati at pumangatlo si Kristel Ann Patrice O. Santos ng Sentral na Paaralan ng Baybay I ng Baybay, Leyte.

 Layunin ng paligsahang ito na malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa wastong ispeling ng mga salita ayon sa ortograpiyang pambansa at mapalaganap ang mga napapanahong kaalaman sa wikang Filipino.

 Ang programang ito ay bahagi ng pagsasakatuparan ng pambansang kampanya ng KWF para sa estandarisasyon ng wikang Filipino at armonisasyon ng mga wika ng Filipinas gamit ang  Ortograpiyang Pambansa.

 Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay Dr. Benjamin Mendillo Jr., Puno ng Sangay ng Salin sa (02) 243-9789, 0932-2333317, o sa [email protected].





Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …