Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maymay, lumalaki na nga ba ang ulo?

LUMALAKI na nga ba ang ulo nitong baguhang PBB product na si Maymay Entrata?

‘Yan ang usap-usapan ngayon sa sampung sulok ng showbiz.

Umeere si MayMay at feelingerang superstar?

Ang kasabihan kasi na kapag umeere na ang isang artista lalo na sa isang baguhang tulad niya, ang kasunod niyan ay attitude na! Actually, nasa presscon kami ng latest film niya with Kisses Delavin, Marco Gallo, at Edward Barbers titled Loving In Tandem na ipalalabas na sa September 13 in cinemas nationwide.

In fairness kay Maymay, wala naman kaming nakikitang isyu ng attitude at paglaki ng ulo ng sikat ngayong dalagita ng Star Magic.

Simula’t mula naman ay magalang  talaga ito at kalog which is natural niyang karakter. Siguro ganoon naman talaga. Kapag sumisikat ang isang artista, naku, promise, napagdaanan din namin ‘yan kay Daniel Padilla noon na kabuntot niyan ay ang mga kung ano-anong pang-iintriga!

Kaya hindi na rin bago sa aming pandinig ang mga ganitong klase ng chararat! ‘Yun na! Basta excited lang din ako sa movie ng MayWard at KissMarc. Trailer palang, naku, tawang-tawa kana sa mga eksena ng apat na bida!

Paulo, bumida na
sa The Promise
of Forever

SA wakas ay nagkaroon na rin ng masasabing launching serye si Paulo Avelino. Pagkatapos gumanap ng iba’t ibang mabibigat na roles sa ilang teleserye ng Dreamscape, tuluyan nang inilunsad si Paulo bilang bibidang aktor sa apat na henerasyong role via The Promise Of Forever with Ejay Falcon and Ritz Azul.

Napapanahon na rin ito for Paulo because you know what, hindi naman talaga matatawaran ang kanyang husay bilang isang aktor huh!

Sa lahat ng teleseryeng nagawa na nito at napanood natin, ibang klase naman talaga ang kakayahan niya bilang aktor at marami ang proud sa kanya at nagtiwala.

Mukhang maganda ang serye dahil kuwento ito ng isang lalaking walang kamatayan at kung paano naglakbay ang kanyang buhay ay siyang matutunghayan natin sa serye. Always remember na hindi lang kaguwapuhan ang taglay ni Paulo kundi isa rin siyang napakahusay na aktor ng kanyang henerasyon!

Angel, maging bampira
na kaya sa pagbabalik-LLS

NOONG Thursday ay nakatsikahan namin si Angel Locsin! Muling nagbalik sa seryeng La Luna Sangre ang sikat na aktres bilang si Jacintha Magsaysay.

Actually napakaraming tanong ang naglabasan sa social media simula ng lumabas ang isang teaser sa pagbabalik ni Angel.
May nagsabing siya ay kakambal, nanay, tiyahin, anak, at kung ano-ano pa ni Lia!

Kahit kami, hindi rin namin alam ang kahahantungan ng kanyang karakter bilang si Jacintha Magsaysay sa serye. Totoo nga ang sabi ni Henry Quitain na we’re watching a fantaserye kaya lahat ay posible sa show.

Interesting ang pagbabalik-serye ni Angel sa totoo lang. Pero ayon na rin sa kagustuhan ng karamihan, sana ay maging bampira naman siya sa serye para maiba naman dahil noong gumanap siya bilang si Lia ay isa siyang Lobo.

Well, okey na sa amin kung maging bampira siya, manok, itik, kabayo at kung ano-ano pa man basta’t huwag lang maging palaka noh!

During the presscon ay naging maboka naman si Angel sa pagsasabing huwag na magalit sa kanya ang ilang hindi pabor sa kanyang pagbabalik sa serye. Nakiusap nalang si Angel sa KathNiel na magtulungan na lang para sa lalo pang ikagaganda ng serye dahil hindi naman ito para sa kanya lang kundi para sa lahat na nagmamahal sa La Luna Sangre! Paaak!

REALITY BITES
ni Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …