NAGPAPASALAMAT ang premyadong aktres na si Ana Capri sa muling pagkilala sa kanyang talento bilang aktres.
Muling nanalong Best Supporting Actress si Ana sa nagdaang 33rd Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa pelikulang Laut.
“I feel thankful, God is great! I’ve realized that my first nomination was from Star Awards para sa Best New Movie Actress sa film ko na Virgin People. So, Star Awards inspired me before para magpatuloy na mag-artista. Feeling ko that time, it was a sign not to give up. I was around 17 that time and now it’s been years and finally after a few nominations sa Star Awards, I finally got it. Kaya, sobrang thankful talaga ako,” saad ng aktres. Ito na ang ikalawang Best Supporting Actress ni Ana para sa pelikulang Laut na pinamahalaan ni Direk Louie Ignacio. Nauna rito ay nanalo rin si Ana sa Asean International Film Festival and Awards (AIFFA) last May ng taong ito na ginanap sa Kuching, Malaysia.
“Iyong role ko rito was very challenging, we were in a location na roon sila mismo nakatira. Nakipag-interact kami sa kanila, nakausap ko sila and ‘yung ka-lagayan nila ay nakakaawa ta-laga. Ito ‘yung minorities… ‘yung side of life nila na hindi alam ng lahat. For me, ‘yung movie, it’s like an advocacy, something that I consider na eye opener for us. To get to know our culture and how it can be saved. Kaya proud ako na naging part ako ng movie na Laut.
“Hopefully, our Government will help them para maka-survive sa hirap ng buhay nila and be educated, and to make their lives easier,” pahayag ni Ana.
Nagbigay din siya ng message sa lady Boss ng BG Productions na si Ms. Baby Go at kay Direk Louie. “To my BG Production, I’m always thankful and proud to be working under their loving wing. Ms. Baby Go, she’s a boss with a heart that cares. They are my family.
“And to our dear director Louie Ignacio, he’s one of the director I really respect and admire po. I have worked with him sa soap opera before, we promised each other that we will work again. And I promised to him if ever he will need me in one of his obra, I will be happy to be a part it and will deliver the best I can. Working with both of them is not just a job, but a journey.”
Ayon kay Ana, mas lalo siyang ganadong magtrabaho sa natamong karangalan.
“As they say I have the potential, I just get distracted in a good way… But I looked at it as a challenge to learn new things, discover other doors… Like now, I am an artist working with Master Artists of the Philippines. I do body art paints too, I write songs… I just have to work on my singing, hahaha! I do out of town/country shows, I do lots of modelling jobs and some endorsement. I am learning everyday, I’m always hungry for knowledge and I’m thankful I have few good friends like director Maryo J. (delos Reyes) who helps me find my path and guide me always.”
Idinagdag ni Ana na umaasa siya sa mga bagpng projects na darating sa kanya lalo na sa BG Productions, pati na rin mga TV assignments.
EAGLE RIGGS,
NAGBALIK-TANAW
SA YUMAONG BFF
NA SI DIREK
WENN DERAMAS
SA Sept. 15 ay muling ipagdiriwang ng mga malapit na kaibigan ni Direk Wenn Deramas ang kaarawan niya.
Ayon sa BFF niyang si Eagle Riggs, muli nilang gugunitain ang kaarawan ng box office director mula nang pumanaw ito noong February 29, 2016 dahil sa heart attack.
Si Eagle ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Direk Wenn sa mundo ng showbiz. “Birthday na ni Wenn sa September 15, two years na namin sine-celebrate ang birthday niya na wala siya. Nakaka-miss siya, mahal kasi ako niyon talaga. Kapag may shooting kami niyon, nila-last pung niya ang eksena ko para lang magtagal ako sa set at nang may kachikahan siya.”
Ipinahayag din niya ang sobrang pagka-miss sa namayapang kaibigan. “Sobrang miss ko na si Direk Wenn, mula nang nawala siya, nawalan din ako hindi lang ng projects, kundi ng isang tunay na kaibigan. Dati, lagi akong kina-cast sa mga projects ni Wenn, ngayon halos ang dami ko nang kakilalang nilapitan, kinausap at nagmakaawa, pero seen zone na lang ako.
“Kung minsan nagre-reply pero wala raw sa kanila ang call kundi sa management. E, sila na nga ‘yung management a, mga boss na sila e, hahaha! Pero I understand, ganoon yata talaga at dadaanin ko na lang sa dasal. May mangilan-ngilan pa namang mga totoong kaibigan ang nandiyan pa at ‘di pa rin nakalilimot,” pakli niya.
Si Eagle ay mapapanood sa nga indie film na Adik ng BJP Film Production at tinatampukan nina Kevin Poblacion, Ara Mina, Rosanna Roces, at iba pa, mula sa direksiyon ni Neal ‘Buboy’ Tan. At sa Bakwit ni Direk Jason Paul Laxamana na tampok naman sina Devon Seron, Nikko Natividad, Ryle Santiago, at iba pa.
ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio