ALAM ninyo ang mga tao, kanya-kanyang opinion iyan eh. Kanya-kanya ring choice kung sino ang inaakala nilang magaling. Hindi masasabi ng kahit na sino na mali ang opinion ng iba kung sa opinion ng mga iyon ay may mas magaling na iba kaysa kanyang choice. Ganyan naman ang mga award winning bodies eh. Kanya-kanya rin sila ng opinion, at kung sino ang choice ng nakararami, iyon ang nananalo.
Ibig sabihin, ang nanalo ay choice ng karamihan, pero hindi nangangahulugang iyon na nga ang pinakamagaling. Depende iyan kung paniniwalaan sila ng publiko. Gusto lang naming magbigay ng opinion. Isang gabi, napanood namin sa TV nang ipalabas iyong pelikulang Barcelona. Aminado kaming napanood lang namin iyan sa TV, ni hindi namin napanood sa sinehan talaga. Pero sa kabila ng katotohanan na napanood lang namin iyan sa small screen, napansin namin ang kakaiba at mahusay na acting ni Daniel. Sa totoo lang, hindi gaanong mahusay ang ibang kasama niya eh, kaya lutang na lutang ang acting ni Daniel.
May mga pagkakataong hindi namin gusto ang kanyang diskarte, kagaya nga niyong namulitika siya na sa tingin namin ay wala sa ayos, pero bilang actor diyan sa pelikulang Barcelona, magaling siya talaga. Siguro nga iyon ang dahilan kung bakit nominated siya sa lahat halos ng awards.
Siguro nga lang, kaya hindi naman siya manalo ay dahil majority ng mga nasa mga award giving bodies ay mga bading at mas natuwa sila sa kuwento at acting ng bading. Pero kung kami ang tatanungin at sinasabi naming personal na opinion lang naman namin ito, mas magaling na actor si Daniel.
Kung ang pagbabatayan ay public approval, na siyempre ang basehan ay box office, mas maraming tao ang nasiyahan sa napanood nilang pelikula ni Daniel. Doon naman kasi sa line-up ng nominees, ang pelikula lang niya ang pinakamalaking hit.
Ang kailangan lang siguro kay Daniel, mabigyan na ng mga mas seryosong role. Huwag na iyang puro pa-cute na love team. Lipas na iyan. Hindi dapat masayang ang talino niya bilang isang actor.
ILANG KRITIKO
SA AWARD GIVING
BODIES,
FANCHITA RIN
TAWA kami ng tawa sa isang inside story na narinig namin tungkol sa isang awards. Aba talagang nagkatalakan at umabot pa roon sa pagmi-misquote ng iba sa isang kritiko para palabasing marami ang naniniwalang mas magaling ang idol nila. Hindi naman kasi lahat ng kasali sa mga award giving bodies ay mga kritiko e. May mga fanchita rin na nakasisingit diyan. Mabuti naman, may ibang nakarinig sa talagang sinabi ng kritiko at binuko ang pagmi-misquote ng fanchita.
Gaano ba talaga kahalaga iyang mga award e iyong marami namang nananalo hindi rin kumikita ang pelikula?
HATAWAN
ni Ed de Leon