MAY sinasabi na naman silang “magna carta of movie workers”. Isasabatas iyan na maglalagay sa ayos sa mga karapatan ng mga manggagawa sa pelikula. Pero ilang magna carta for movie workers na ba ang nagawa in the past? Ipinaglaban na rin iyan noon ni Atty. Espiridion Laxa. Tinrabaho nang husto ni Rudy Fernandezang karapatan ng mga artista noong presidente siya ng KAPPT. Inisip din iyan niKuya Germs Moreno. May panahong isinulong din iyan ni direk Joel Lamangan, at maging ni Mayor Richard Gomez. Pero may nangyari ba? Kaya nga iyong mga beterano na sa industriya, hindi lang “wait and see” ang sagot nila sa ipinapanukala na namang magna carta na iyan. Ang reaksiyon ng marami,”wala rin iyan.” Lalo nga kung ang mga nagpapakulo niyan ay mga baguhan lamang at hindi alam ang mga tunay na problema sa industriya ng pelikula at ang tanging karanasan ay gumawa ng mga pelikulang indie.
HATAWAN
ni Ed de Leon