MAPAPANOOD ang versatile na singer/comedian na si Mojack sa show na gaganapin sa Light Rock Café & Restobar sa Legaspi City sa Sept. 8 & 9, 2017. Ito ay two day show at ipinahayag niyang nag-e-enjoy siya sa mga ganitong performance.
“Yes po, I enjoyed a lot when I have a show na mga out of town. Bale ang ka-back to back ko lang is ‘yung local band nila doon, ‘yung in house band nila and ako ‘yung primetime artist nila in two days,” pahayag ni Mojack.
Dagdag niya, “Actually po, it’s my third time na mag-solo-show dito sa Light Rock Cafe and Restobar. Ang last time na show ko roon is 2013 pa, request ng may-ari ng bar is mag-solo concert ulit ako dahil iyon din ang request of their followers ng bar, iyong mga customers nila. Ano usually ang repertoire mo sa mga ganyang show, lalo na kapag ikaw lang mag-isa?
“Ang repertoire ko rito is iba-iba po e, variety pero hindi mawawala ang pag-impersonate ko kay Blakdyak. Ang mga kanta niya ay kakantahin ko rin po rito,” saad ng komedyante na nakilala nang husto bilang Blakdyak Kalok-alike at impersonator.
Pahabol niya, “Yes, mostly ang mga request nila sa akin is to sing songs of Blakdyak and other Reggae songs… ganoon po.”
Sinabi ni Mojack kung ano ang dapat asahan sa two day show niyang ito. “Siyempre po, ang show kong ito ay punong-puno na naman po ng tawanan, kantahan, sayawan, at kulitan with the participation po ng mga audience.”
ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio