Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lara Lisondra, hahataw na bilang recording artist ng MCA Universal

KASAMA ni Lara sa larawan, ang CEO and President ng MCA-Universal Records Phililippines na si Mr. Ricky Ilacad (left side of Lara) at Senior Label Manager/ Producer, Mr. Neil Gregorio (far left), with Llianne Margarette D. Lisondra, Dra. Juliet Diza Rivera, at manager/handler na si Ronald Abad.

HAHATAW na sa pagiging recording artist sa Filipinas si Lara Lisondra. Pumirma kamakailan sa MCA Universal ang talented na dalagitang binansagang Riyadh Teenstar. Nakagawa na kasi ng album si Lara sa Saudi Arabia na pinamagatang Simply Lara, kaya nabansagan nang ganito.

Si Lara ay pangatlo sa apat na magkakapatid sa mga magulang na sina Wilfredo at Melva Lisondra na kapwa matagal nang OFW sa Saudi Arabia. Edad 17 years old pa lamang ay nag-Grade 10 sa Al Danah International School, Riyadh, Saudi Arabia, na kanyang pinanganakan. Grade 12 na siya ngayon sa UST.

Ano ang plano sa kanya ng MCA Universal? “Bale po ilalagay po ‘yung song ko in digital format which is downloadable worldwide. Bale two songs po iyon and it will be coming from my album which will be released din po very soon. Ang two songs po na ire-release sa digital ay Mr. Seen and Kung ‘Di Ako Mahal.

“Kapag na-complete na po ‘yung songs sa album ko, ire-release din iyong hard copy nito. Sa songs ko po ngayon, I will show my vocal versatility and maturity na rin po as a singer,” pahayag ni Lara.

Paano mo ide-describe ang single mong Mr. Seen? “Iyong song po ay isang love song po na medyo may hugot din po. Pero, hindi po ‘yung typical na hugot. About crush lang po na hindi ka pinapansin,” tugon ni Lara. “Yes po, makare-relate ang maraming millenials sa song na ito,” saad niya nang usisain namin.

Sinabi rin ni Lara ang wish niyang mangyari sa kanyang career. “Well, ang wish ko lang naman po sa showbiz career ko, lalong-lalo na po sa pagiging isang recording artist is to be successful po. Na sana po magkaroon po ako ng maraming projects soon and many opportunities will come pa po sana.”

Isa si Lara sa guest sa birthday show ni katotong Roldan Castro sa Zirkoh Morato na pinamagatang Muiscali3 (M2M2M) with Michael Pangilinan, Marion Aunor, at Marlo Mortel na gaganapin sa August 30, 9pm. Tampok din sina Marc Cubales, Natsumi Saito, Ryan Tamondong, Kiel Alo, Klinton Start, Hot Girls, Pretty Girls, Tuod at Alwina, Daryl Christian Madrid Reynes, Yna Uy, Maricar Aragon, J-Nissi Elisha, Patrick Alvarez, Lemuel Santos at ang LS Band.

Ano ang kakantahin mo sa Zirkoh? “Ang kakantahin ko po sa Zirkoh ay mostly Pop songs. Mga ala-Ariana Grande po,” masayang saad ni Lara.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …