Sunday , November 17 2024

Bembol, bilib sa mga baguhang direktor

Still about AWOL, naging very vocal naman ang beteranong aktor na si Bembol Roco sa pagsasabing bilib siya sa ilang baguhang nagdidirehe ng indie movies.

Naniniwala siya na kapag nabigyan ng magandang break ang ilan sa kanila ay malayo ang mararating at magiging maganda ang kontribusyon ng mga ito sa mundo ng pelikula.

“Yes. I’am impressed with them. Not to everyone. Marami sa kanila ang magagaling na mabigyan lang ng chance…dahil marami sa kanila ang masasabi kong magagaling,” aniya.

Naitanong din namin sa beteranong aktor ang kanyang saloobin ukol naman sa tinatahak na magandang career ngayon ng kanyang anak na sina Dominic at Felix Roco.

“Okey naman sila. Kanya-kanya naman sila and masaya ako para sa ginagawa ngayon ng mga anak ko. Happy for them. Malalaki na sila! Alam naman nila lahat,” dagdag pa niya.

Ani Bembol, maipagmamalaki niya ang AWOL. Nakita niya rin ang galing Gerald Anderson kaya hindi na siya nagtataka sa kasikatang tinatamasa ni Gerald. ‘Yun na!

Ang pelikulang AWOL po ay isang action-thriller na tatakbo ng 75 minutes na pinagbibidahan nina Gerald, Dianne Medina, Bernard Palanca, Richard Quan, Raymond Bagatsing, Jeric Raval, at Bembol Roco produced by Skylight Films and CineBro and distributed by Star Cinema.

REALITY BITES – Dominic Rea

About Dominic Rea

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *