Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, inuuna muna ang trabaho sa Kongreso bago gumawa ng pelikula

HINDI totoo ang ipinagkakalat ng iba na nagkakawatak-watak na ang mgaVilmanian. In fact nananatiling intact ang VSSI, na siyang unified organization nila. Noon lang Linggo, nag-celebrate sila ng kanilang 30th. Anniversary at nakita namin na solid pa rin sila. Maski na iyong galing sa iba’t ibang probinsiya naroroon sa anniversary. Hindi nakarating si Ate Vi dahil sa isang naunang commitment ng kanilang pamilya, pero tumawag siya sa telepono, na ikinabit naman sa sound system para marinig siya ng lahat ng naroroon.

Sa himig din ng pagsasalita ni Ate Vi, mukhang wala siyang naririnig sa sinasabing may isang grupo ng kanyang mga Vilmanian na humihiwalay na. Iyong VSSI naman, particularly ang presidenteng si Jojo Lim, at ang kanilang mga adviser na sina Ronnie Gan at Joey Cruz ay nagsabing ok lang dahil iilan lang naman iyong sinasabing humihiwalay at saka si Ate Vi pa rin naman ang sinusuportahan nila.

Inulit na naman ng mga Vilmanian kay Ate Vi ang tanong kung kailan nga ba siya gagawa ulit ng pelikula dahil naiinip na silang maipakitang muli ang kanyang puwersa. Ang sagot naman ng congresswoman, marami pa siyang trabaho ngayon at namimili kasi siya ng magandang proyekto dahil minsan na nga lang siyang gumawa ng pelikula, dapat iyong maganda na.

Hindi naman kasi si Ate Vi iyong tipong dead na dead na gumawa ng pelikula. Maayos na naman ang kanyang buhay, at confident naman siya sa kanyang katayuan bilang isang aktres.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …