Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, mahigpit na yakap ang isinalubong kay Matteo

NAKITA namin ang isang short video, most probably kuha lang ng isang fan o isang by stander, nang sorpresang dumating si Sarah Geronimo sa Ironman competition sa Cebu para magbigay ng moral support sa kanyang boyfriend na siMatteo Guidicelli. Ang higpit ng biglang yakap ni Matteo nang makita ang kanyang girlfriend. Wala siyang pakialam kahit na basa siya ng pawis dahil sa katatapos na competition. Ang higpit din naman ng yakap ni Sarah. Basta ganyan na ang nakikita mo, at iyan naman ay hindi masasabing,”ginagawa lamang on cam,” dahil talagang candid video iyon, masasabi mo ngang talagang nagmamahalan sila ng totoo.

Isipin ninyo iyong bumiyahe pa si Sarah sa Cebu para lamang magbigay ng moral support kay Matteo sa kabila ng marami rin niyang trabaho sa Maynila, talagang ganoon nga ang dapat na reaksiyon ni Matteo. Kung napansin din naman ninyo, hindi naman kasali si Matteo sa Finally Found Someone, pero todo promote siya niyon sa kanyang mga social media accounts, at talagang tuwang-tuwa siya noong maging isang malaking hit ang pelikula ng kanyang girlfriend.

Kaya makikita mo rin naman na ang pagbibigay nila ng suporta ay mutual lamang. Nagmamahalan sila eh. Darating naman ang araw na magiging isang pamilya sila.

Marami na rin namang dinaanang love story iyang si Sarah, pero sa totoo lang, ngayon lang namin nakitang ganyan siya kaseryoso. Siguro kasi noong mga panahong iyon naman ay bata pa siya, at natural lang naman ang paghihigpit ng mga magulang kung inaakala nilang bata pa ang kanilang anak, kaya walang nangyayari. Ngayon naman nakita siguro nila na nasa tamang edad na rin naman si Sarah, nakapagpundar na naman iyon para sa kanilang pamilya. Higit sa lahat nakita naman siguro nila na disenteng tao na galing din sa isang disenteng pamilya si Matteo at hindi naman lolokohin ang kanilang anak kaya mas nagiging malaya na ngayon ang dalawa.

Kung kami ang tatanungin, bagay sina Sarah at Matteo talaga.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …