Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayantha Leigh, ganap nang Ivory Records artist!

PATULOY sa paghataw ang singing career ng talented na dalagitang si Rayantha Leigh. Ngayon ay isang ganap na recording artist na si Rayantha dahil recently lang ay pumirma na siya ng kontrata sa Ivory Records.

“Nag-contract signing na po si Rayantha kaninang umaga sa Ivory Records and Enterphil para sa digital songs niya po. Unang ipapasok po ang single niya na Nahuhulog, lyrics by Gala Sanchez and composed by Kedy Sanchez. Mga two to three weeks po lalabas na siya sa Spotify, iTunes, Spinnr,” saad ng mabait na mom ni Rayantha na si Mommy Lanie.

Wika niya, “Sa September 3 to 12 po nasa Japan si Rayantha, September 4 ay may award po siya sa Fukuoka, Japan na gaganapin sa Hilton Seahawk Hotel bilang Young International Artist 2017 sa 3rd World Excellence Japan Awards ni Ms. Emma Cordero. Then guest po si Rayantha sa event sa September 9, Osaka, Japan at September 10 sa concert sa Fukuoka, Japan.”

Sa ngayon ay kaliwa’t kanan pa rin ang pinagkaka-abalahan ng dalagitang si Rayantha. Kamakailan ay nagkaroon siya ng guesting sa Robinson’s Metro East. Nag-aaral din siya ng Japanese songs ngayon para sa event niya sa Japan. Ito’y bukod pa sa ginawa niyang acting at dance workshop.

Inusisa namin si Rayantha kung masaya ba siya sa nangyayari sa career niya ngayon?

Sagot niya, “Happy naman po ako sa takbo ng career ko kasi naniniwala po ako na darating din ‘yung tamang panahon para sa akin. Basta ipagpapatuloy ko lang po ang aking pagkanta.”

Nabanggit ni Rayantha na excited siya kapag nagpupunta sa Japan. “Actually I’m always excited to go to Japan especially this coming September because I will be receiving my award and I have two events to attend. Unlike my previous visit in Japan, it’s only for vacation and to visit my relatives in Tokyo and Nagoya. Since we have a free time ni mommy from September 5 to 8 sa Japan, we will make sure to visit my aunties and makapag-bonding with my cousins.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …