Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rei Ramos Anicoche Tan, thankful kay Sylvia Sanchez as BeauteDerm endorser

THANKFUL ang masipag na businesswoman na si Ms. Ms. Rei Ramos Anicoche Tan, Chief Executive Officer/owner ng BeauteDerm, dahil mas marami ang nakakikilala ngayon sa kanilang produkto. “Mas lalo pong nakilala ang BeauteDerm mula nang si ate Sylvia ang naging endorser namin. Kaya very much happy po kami.

“And effort po talaga siya, kasi lagi po siyang nandito rin sa clinic. Aside from promoting BeauteDerm products, lagi rin po siyang nasa Beautehaus Skin Clinic po naming,” saad sa amin ni Ms. Rei.

Nabanggit din ni Ms. Rei kung bakit si Ms. Sylvia Sanchez ang kinuha niyang endorser. “Kahit po marami tayong kaibigang celebrities, siyempre, isa po akong tagahanga ng isang Sylvia Sanchez, doon po tayo mag-umpisa. Dati rin po akong taga-media, nakita ko po siya at napakatagal na niyang artista, napaka-versatile po niya, mapa-bida o kontrabida ay kayang-kaya po niya.

“Tapos bigla ko po siyang na-meet thru my manager, ate Shyr (Valdez) dahil isa po akong fan, na-starstruck ako, hindi ako komportable noong una ko si-yang makita, pero nakilala ko siya at hindi siya katulad ng ibang artista na kapag lumalabas naka-lipstick, kailangan buo ‘yung kilay niya. Si Ate Sylvia po kahit naka-pajama po, haharap siya sa tao, kahit first time ka niyang makilala, hina-hug ka niya, siya po ‘yung nakilala ko na napakatotoong tao.

“Kaya sabi ko po, eto na, nakita ko na ang magiging brand ambassador ko, napa-kagaling na artista, napaka-buting ina,” aniya pa.

Sa ngayon, bukod sa BeauteDerm at Beautehaus Skin Clinic ay nalaman namin na talaga palang masipag sa negosyo si Ms. Rei. May dalawa pa kasi siyang business, ang SAK’S Vigan Deli located sa Villa Angela Main Gate. “Direct from Vigan ang SAK’S Vigan Deli, all authentic Ilocos delicacies po iyan dahil based ako now sa Pampanga. Dahil Ilocana po ako talaga kaya naisip kong magtinda din ng pro-ducts, wala pa kasi rito.

“Mayroon pa akong isang business, iyong A-List Avenue Boutique dito rin sa Pampanga. Bale authentic and designer’s bags, watches, dresses, and shoes. Malapit din po iyan sa Beautehaus Skin Clinic, same subdivision lang. And ‘yung BeauteDerm, national and international distribution na po tayo,” masayang pagbabalita ni Ms. Rei.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …