Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkawala ni Alfie, ‘di katapusan ng kanyang buhay

MAAARI mong ipagtanong sa Angeles City pa lang, saan ba ang bahay ni Alfie Lorenzo.

“Diretso lang po papuntang Porac, hindi kayo lalagpas may bahay na maliwanag na maliwanag, may kapilya sa tapat, iyon ang bahay niya,” ganoon ang isasagot sa iyo ng mapagtatanungan mo. Talagang maliwanag na maliwanag ang bahay ni Alfie, ”hindi ba talbog pa ang Star City,” madalas niyang sabihin sa amin. Umaabot sa P36,000 ang binabayaran niya sa kuryente buwan-buwan dahil sa napakaraming ilaw na iyon, ”kasi gusto ko masaya.”

Minsan tumawag siya sa amin, ”halika, magpunta ka rito, may ipakikita ako sa iyo.” May nadaanan pala siyang manggagawa ng imahen ng mga santo, nagustuhan niya ang isang malaking image ni Jesus Christ, mas malaki pa sa tao. Binili niya iyon, at noong araw na iyon ay bebendisyonan pala iyon, tuloy ang isang misa roon mismo sa bahay niya. Kung hindi naman sasabihin niyan, ”magpunta ka rito, sumama ka sa pagsisimba sa Santo Nino,” roon iyon sa Carmelite convent sa Angeles City na dinarayo niya ang pagdarasal sa Santo Nino.

Basta araw ng Biyernes, hindi mawawala iyan sa simbahan ng Quiapo. Binibili ang lahat yata ng madaanan niyang kuwintas ng Nazareno, na ipinamimigay lang din naman niya. Basta may nakita siyang nagtitinda ng sampaguita na kinaawaan niya, asahan mo bibilhin niyang lahat ang tinda.

Basta nagsimula na ang Simbang Gabi, asahan mo na ang mahabang pila ng mga bata sa harap ng bahay niya. Katulong na ang barangay sa pag-aasikaso sa pila. May kausap na siyang manggagawa ng bibingka, mayroon siyang malalaking balde ng yelo para palamigin ang juice, at supot ng mga candy. Ang lahat ng bata sa simbang gabi, pila sa kanya pagkatapos ng misa. Nakalista ang pangalan nila at binibilang kung nakompleto nila ang simbang gabi. Kung makukompleto nila ang simbang gabi, may maganda silang Pamasko. Kung hindi naman kakain na lang sila sa party sa huling gabi ng simbang gabi.

Maya’t maya, may bilin pa si Alfie, ”ihingi mo nga ako ng langis doon kay Padre Pio,” na siya niyang ipinapahid sa kung ano mang bahagi ng katawan niya ang sumasakit.

Mauubos ang oras mo kay Alfie basta nagsimula na siyang magkuwento, lalo na tungkol sa nakaraang panahon, at sa mga buhay-buhay namin noong araw. Nakatutuwang natatandaan niya ang lahat ng pangalan at mga kuwento namin maski noong araw pa.

Noong magkasakit kami, hindi kami dinalaw ni Alfie sa ospital, pero tumawag sa amin na ang sabi, ”hoy huwag kang mamamatay dahil alam mo naman hindi ako nagpupunta sa patay. Hindi ko pupuntahan ang burol mo.”

Kay Alfie rin namin natutuhan ang kumain ng burong isda at burong hipon na isinasabay sa sariwang mustasa at okra, ganoon din ang kanyang ensaladang pako.

Maraming mga bagay na hindi nalalaman ng marami tungkol kay Alfie. Pero para sa amin na nakasama niya ay naging kaibigan ng matagal na panahon, hindi siguro mauubos ang mga kuwentong maaari naming ikuwento tungkol sa kanya.

Wala na si Alfie, pero hindi iyan ang katapusan ng kanyang buhay. Marami pa siyang naiwan sa industriya ng entertainment dito sa ating bansa, at dahil doon mananatiling nagpapatuloy pa rin kung sino siya at kung ano siya.

Ayaw naming magsabi ng goodbye. Alam namin, magkikita-kita pa rin tayo pagdating ng araw.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …