Saturday , November 23 2024

Origami-inspired clothes sumasabay sa paglaki ng bata

MARAMING magulang ang sasang-ayon na ang mga bata ay mabilis lumaki. Ngunit sa mabilis nilang paglaki, agad sumisikip ang kanilang mga damit.

Nais itong baguhin ng London-based designer sa pamamagitan ng mga outerwear para sa mga bata na lumuluwag habang sila ay lumalaki.

Tinawag na Petit Pli – French word para sa ‘little pleat’ – ang kasuutan ay may innovative pleat system na lumuluwag sa iba’t ibang direksiyon ngunit bumabalik din sa orihinal na sukat.

“It’s designed for continuous fit adjustment, so it’ll never be a little bit too short or a little bit too long,” pahayag ng designer na si Ryan Mario Yasin, graduate mula sa Royal College of Art sa London, sa Reuters. “It’s always changing its shape and morphing with the child even in motion. So as the child is running around the pleats are deforming in both directions either folding together or expanding, and moving in synchrony with the child.”

Ayon kay Yasin, ang mga bata ay lumalaki sa pitong clothes sizes sa kanilang unang taon, kaya maraming mga damit na halos hindi na nila naga-gamit dahil masikip na sa kanila. Ang Petit Pli ay idinesenyo para makatipid sa pera ang mga magulang at mabawasan ang basura sa fashion industry, aniya.

Dahil sa background bilang aeronautical engineer na espesyalista sa deployable structures, sinabi ni Yasin, ang kasuutan ay may special structure sa fabric na hango sa ancient Japanese art na origami.

“This is really engineering meets fashion. I’ve taken my knowledge of materials and folding origami and applied that to a product which is aimed at reducing the waste in the fashion industry,” aniya.

Ang Petit Pli ay idinesenyo para sa mga bata na may gulang na apat buwan hanggang 36 buwan, at dahil sa expanding fabrics, hindi problema kung masikip o maluwag dahil ito ay palaging “perfect fit.”

Sinabi ni Yasin, ibinatay niya ang pagpapatibay sa kasuutan sa paghahambing sa mga bata sa “extreme athletes,” na palaging aktibo at nangangailangan ng damit na angkop para sa kanila.

“It’s super lightweight so you can layer it on top of your clothes at any time of the year. It’s wind-proof and water-proof with a hydrophobic coating,” ayon kay Yasin.

Ang patent-pending pleating process ay masu-sing sinuri upang hindi maglaho ang “pleats” habang ginagamit, at ito ay machine washable.

Sa ngayon, tinatrabaho na ni Yasin ang produksi-yon nito sa iba’t ibang sukat at disenyo, at naghahanap ng commercial partners para sa scale-up production para madala na ang Petit Pli sa merkado.

Bagama’t ang futuristic-looking designs ay maaaring ikataas ng kilay ng iba, umaasa si Yasin na sa kalaunan ay matanggap din ito. (REUTERS)


About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *