Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo Interpret ko: Ex nakagalit at nakabati, tatay nasa car

Dear Señor H,

Ung drim ko ay sa ex ko, d ko sure pero parang galit2 ako sa kanya tapos ay nagalit din siya sa akin, pero tapos nun ay masaya na kami, tas my dumating na car, pero c ttay ko nagda-drive, e patay na po siya, prang mlabo po d ko maintindihan sana matulu-ngan nyo ako, salamat Señor, pls dnt post my #.

 

To Anonymous,

Ang ganitong tema ng panaginip ay nagsasaad ng frustrations at disappointments sa iyong sarili o sa ilang mga sitwasyon na wala kang kontrol. Nagpapakita rin ito na mas nabibigyan ng diin ang repression at negatibong damdamin o nailalabas o naitutuon sa iba ang galit mo. Kailangan tingnan mo ang iyong sarili upang mas magkaroon ka ng kontrol sa iyong emosyon.

Ang galit na nakita sa iyong ex ay maa-aring mangyari rin sa estadong kayo ay gi-sing. Ito ay maaari rin namang isang paraan din upang ligtas na mailabas ang iyong strong at negative emotions. Ito ay posibleng bunsod din ng mga natatagong anger at aggression na hindi kinikilala.

Ang nakitang masayang sitwasyon ninyo ng ex mo sa iyong panaginip ay maa-aring isang compensatory dream na kada-lasan ay kabaligtaran ng katotohanan o ng nangyayaring sitwasyon. Ito ay maaaring paraan din upang ma-compensate ang mga kalungkutan at stress sa iyong buhay.

Ang sasakyan naman ay maaaring nagpapahayag na may mga taong gusto kang kontrolin o kaya naman, may paalalang mensahe sa iyo ang nakita mong nagmamaneho rito na sa kaso ng panaginip mo, ang iyong amang pumanaw na.

Posible rin namang nagpapahayag ito ng babala na may mga taong nakapaligid sa iyo na pinagmumulan ng mga negatibong impluwensiya o kaya naman, ikaw ay nakikihalubilo sa mga maling grupo. Ito ay maaaring magdulot din ng material loss. Ang panaginip mo ay maaaring may kaugnayan o babala sa mga naranasang kabiguan at sakit na sinapit noon sa piling ng ex mo na posibleng mangyari ulit ngayon.

Maaari namang kaya sumagi sa panaginip mo ang iyong ex ay dahil sa mga bagay na nag-trigger kaya mo siya napanaginipan.

Ang mga halimbawa nito ay makita mo ang dating larawan ng iyong ex, regalong galing sa kanya, mga dating kaibigan o kaki-lala ninyo, ang mapagawi ka sa lugar na madalas ninyong puntahan noon, ang mari-nig ang dating themesong ninyo at mga ka-tulad na sitwasyon o halimbawa. Kung ganito ang sitwasyon, walang dapat ipag-alala dahil iyon ang rason kaya mo siya napanaginipan.

Posible rin namang may mga sitwasyon noon sa inyo ng ex mo ang gusto mong mangyari sa iyo ngayon, kaya siya pumapasok sa isipan mo. Maaari rin na hindi ka masaya o satisfied sa karelasyon ngayon (sakaling mayroon man), kaya pumapasok sa iyong subconscious ang dating karelas-yon kahit hindi mo ito talaga gusto, at luma-labas nga siya sa iyong panaginip.

Ngunit kung wala naman ang mga elementong ito, at hindi mo na mahal ang ex mo, huwag mo nang isipin ang panaginip mong ito dahil maaaring ito ay nagkataon na bunsod ng ilang mga elemento o bagay na wala kang kontrol.
Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …