KAHIT sobrang abala sa kanyang mga negosyo at pagpo-produce ng pelikula, hindi natanggihan ng Indie Queen na si Ms. Baby Go na maging member ng Rotary Club of Greater Mandaluyong.
Saad ni Ms. Baby, “Dati ayaw kong sumali, kasi ayaw ko ngang may dagdag- trabaho dahil ang dami ko nang trabaho, e. Pero since negosyante rin ako at dahil nakita ko na marami silang activities at projects na nakatutulong talaga sa mahihirap at mga nangangailanagan, sumali na rin ako sa Rotary.
“Like ‘yung health project nila, ‘yung mga batang walang trabaho, gumagawa sila ng bag. In fact, ‘yung newspaper inire-recycle nila at ginagawa nilang bag. Itong Rotary na ito, tumutulong talaga sa mahihirap. Kaya napakaganda ng ginagawa nila, minsan may medical mission sila, namimigay ng goods.”
Ang lady boss ng BG Productions International ay kabilang sa mga bagong member na na-induct sa ginanap na seremonya sa One Shangri-La Place nitong July 12, 2017. ”Actually, ito’y induction sa mga new member ng Rotary, kasi hindi ako na-induct noon, ngayon pa lang. Kasi proud sila na sumali ako, member ako last year pa, pero hindi pa na-induct, ngayon lang talaga. Pero na-register na nila ang pangalan ko. So, sinabihan ako ni Atty. Ayla Alim-Baldueza, president ng Rotary Club of Greater Mandaluyong na isa ring Councilor ng Mandaluyong.
“Marami nang nag-invite sa akin before, may San Juan, may Pasay, Manila… pero hindi ako sumasali at ito lang ang pinili ko. Itong Greater Mandaluyong Rotary, kaya gusto ko ito dahil para sa akin, this is this best at talagang tumutulong sila sa mahihirap. Pero sa Chinese Chamber of Commerce talaga ako ng Mandaluyong,” es-plika ni Ms. Baby.
Nabanggit din niya ang sa-riling foundation na tumutulong sa mga kapos-palad. “Ang foundation ko ay PC Goodheart na nagpapaaral ako, may scholarship akong ibinibigay, may mga naka-graduate na, iba-iba ‘yung mga ginagawa namin. Sa nga-yon magkakaroon ako ng fundraising na ballroom dancing, after nito ay magkakaroon din kami ng medical mission at magpapakain sa street children. Tuloy-tuloy lang kami sa pagtulong, lalo na sa kababaihan na bibigyan natin ng trabaho. May ibinibigay kaming tulong mula sa PC Goodheart, para sa mga kababaihan.”
Inusisa rin namin si Ms. Baby ukol sa next movie ng BG Productions. “Ang Balatkayo ay tapos na, pero ang gagawin naming next ay dalawang movie. Mainstream na ito at sinusulat na ni Ricky Lee. Actually, gaya nang sinabi ko sa iyo, malaking artista ito pero bawal pang sabihin. Iyong isa ay Vilma Santos, ‘yun ay okay lang sabihin, ‘yung isa ay hindi pa puwede. Masayang-masaya ako sa Balatkayo nang napanood namin. Daring nga siya, pero pang-International version ‘yung may mga daring na eksena. Iyong para rito sa Filipinas, inayos naman iyon para iba ‘yung dito at iba ‘yung international version.”
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio