HABANG ikaw ay natutulog, iyong nasasagap ang chi sa iyong paligid. Habang ikaw ay passive o tahimik, at habang nagpapa-hinga upang mapasigla ang sarili, iyong tinatanggap ang karamihan sa mga chi sa iyong paligid.
Karamihan sa mga chi ay pumapasok sa iyong katawan sa pamamagitan ng i-yong crown chakra na nasa ibabaw ng i-yong ulo. Matatagpuan mo ang chakra na ito sa pamamagitan ng pagtukoy sa spiral sa ibabaw ng ulo ng sanggol (o sa ulo ng sino mang may maigsing buhok).
Ang direksiyon na kung saan nakaturo ang iyong crown chakra kapag ikaw ay nakahiga ang magdedetermina kung alin sa walong tipo ng chi ang iyong masasagap nang husto.
Ang pagbabago sa puwesto ng iyong kama upang ang iyong uluhan ay nakaturo sa norte ay ideyal, kung ang ikaw ay may problema sa pagtulog.
Ang northern chi ay umuugnay sa winter at hatinggabi, na perpekto para sa iyo kung nais mong mapakalma ang sa-rili. Ang water chi na ito ay nakatutulong sa paggaling at pagrekober mula sa mga problema sa kalusugan. Ang direksi-yong ito ay kadalasang napakatahimik para sa sino man na nangangailangang maging aktibo kinabukasan, kaya gamitin lamang ito kung kinakailangan.
ni Lady Choi