Saturday , December 28 2024

Mabaho ang CDO

 

HUWAG daw tangkilin ang produktong maya’t maya ay lumalabas sa komersiyal (TVC), lalo na kung pagkain at gamot ang produkto.

Madalas nating naririnig ito sa mga doktor na nagrereseta ng gamot sa kanilang pasyente. Sabi nila, ang mabisang gamot hindi kailangan ng magastos na TV ads.

Mukhang totoo rin ito sa kaso ng CDO. Isang produktong delatang meat processed. Kung talagang maayos ang produkto hindi kailangan ng sandamakmak na TVC.

Sa highways makikita ang billboard ng CDO. Sa TV, maya’t maya nakikita ang kanilang produkto. Ganoon din sa mga supermarket, kahit saan lumingon may CDO.

Maraming reklamo na ang natatanggap tungkol sa mabahong amoy na hinihinalang mula sa pabrika ng CDO sa Valenzuela City.

Itinuturo ng mga taga-Barangay Paso de Blas, Valenzuela City na pinagmumulan ng amoy ang tambak ng mga ibinabalik na produkto ng CDO. ‘Yung mga hindi nabibili at malapit nang mag-expired.

Nang lumaon, napagtanto nilang, puwede rin magmula sa natuyong taba ng karne na ipinoproseso ng CDO ang masangsang na amoy.

Pero alinman sa dalawa ang pinagmumulan ng mabaho at masangsang na amoy na labis na nakaaapekto sa kalusugan ng mga taga-Paso de Blas, mayroong tungkulin ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela na aksiyonan ang reklamong ito.

Ano ba ang dahilan kung bakit walang aksiyon mula sa tanggapan ni Mayor Rex Gatchalian?! Ano ang ginagawa ng Valenzuela Health and Sanitation Office?

Napakalaki ng planta ng CDO, hindi ito kapiranggot lamang, kaya imposibleng hindi napapansin ng lokal na pamahalaan ang reklamo ng mga residente at iba pang business establishments sa nasabing lugar.

Kung halos 40-anyos na sa industriya ang CDO at sinasabi nilang malinis ang kanilang produkto, bakit kailangan nilang gumastos nang malaki para sa kanilang promotions?!

Laging tandaan, ang tunay na malinis ay marunong din maglinis ng basura sa kanilang kapaligiran kaya hindi rin nila dapat hinahayaang umalingasaw ang mga nabulok nilang produkto.

Gusto ba nilang mabansagang CDO bulok?!

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *