NAKAPANGINGILABOT ang sandali nang alisin ng mga doktor ang dalawang kilo ng hairball mula sa tiyan ng isang dalagita.
Si Aakansha Kumari, 16, ay palihim na kinakain ang sarili niyang buhok sa nakaraang ilang taon. Lingid ito sa kaalaman ng kanyang mga magulang hanggang sa madagdagan ang kanyang timbang.
Nagkaroon siya ng problema sa pagkain at sumusuka kaya isinailalim siya ng mga doktor sa x-ray, nagresulta sa pagkakatuklas sa isang malaking ‘mass’ na umu-kupa sa 80 porsiyento ng kanyang tiyan.
Namangha ang mga doktor nang hugutin nila ang isang malaking ‘lump’ ng buhok mula sa tiyan ng dalagita, at na-diagnose na dumaranas ng trichophagia, kondisyon ng isang tao na hindi mapigilan ang sarili na kainin ang kanyang buhok.
Inalis ng isang team, sa pangunguna ng gastro surgeon na si Dr. Abhay Kumar, ang hairball sa open surgery sa Doon Medical College and Hospital, sa Dehradun, India.
Aniya, “The hairball occupied 250 ml to 300 ml of space in the stomach. And this was causing her to lose interest in eating.
“The surgery was challenging because we had to extract the hairball in one go.
“We couldn’t do it piece by piece and risk dropping strands of hair in the body cavity as it would lead to further complications.
“The girl is doing much better after surgery.”
“My daughter is looking much healthier and happier now,” pahayag ni Satish Chandra, ang ama ng dalagita. (mirror.co.uk)