SA Feng Shui, ilang rounded driveway shape ang ikinokonsiderang naghahatak ng magandang suwerte at positibong chi. Ang mga hugis na ito ay kinabibilangan ng:
*semi-circular
*circular
*circular na may center island ng damo o mga bulaklak.
*circular na may square center
Ang ilan namang diretso o rectangular shapes ay maaari ring magdulot ng malas. Halimbawa:
*Ang drive way na kumikipot habang patungo sa kalsada ay maaaring maglimita sa career o business opportunities.
Remedyo: Maglagay ng lamppost sa paanan ng driveway upang maging maliwanag ang front door o ang itaas ng bahay.
*Ang steep slope, kumikipot habang patungo sa paanan ng driveway ay maaari ring magdulot ng limitadong mga oportunidad. Remedyo: Sa ilalagay na dalawang brick post sa gilid ng entrance ng drive way, ang chi ay muling da-daloy at madadagdagan ang mga oportunidad.
*Ang driveway na pababa sa bahay ay maaaring magdulot ng problema sa pera, relasyon, kalusugan at sa career. Remedyo: Magbuo ng terraces ng pavement sa driveway upang mapalambot ang daloy ng chi habang ito ay paragasa patungo sa bahay o tutukan ng spotlinght ang tuktok ng bubong.
ni Lady Choi