Saturday , November 23 2024

Sino ang dapat managot sa P6-B shabu!? (Part 3)

ANO na raw ba ang resulta o status ng imbestigasyon sa mga nahuling shabu sa isang warehouse sa Valenzuela City ng Bureau of Customs, NBI at PDEA?

Is the consignee guilty or not and who is the guilty party or responsible dito? ‘Yan ang gustong malaman ng ating mga miron.

Sino nga ba?

Ang  warehouse owner ang sabi ay wala siyang alam, pero ayon sa broker and consig-nee, ito umanong may-ari ng bodega ang mismong  shipper of the said pinpointed documents/cargo na idineklarang mga cutting board, kit-chenwares etc.

Ang droga ay nakapalaman sa isang wooden crate cylinder.

Anong marking ba ang crate? Under customs laws bawal na bawal po ‘yan.

Sino ang magte-testify na ang droga ay galing sa kargamento na deklaradong kitchenwares etc., na ini-deliver sa warehouse na pag-aari ni CHENG JUNNLONG a.k.a. RICHARD TAN?

Question again, was the drugs found inside the container van or not?

Hanggang ngayon ay very busy ang mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service(CIIS) at mga customs examiner sa pagbibigay ng 100 % physical examination sa mga container van consigned to EMT TRADING  sa pantalan ng MICP to ensure na walang other illegal item loaded sa consignee.

Even the district collector of MICP was alerted and the rest of customs inside the port. But still the question remains, sino ang responsable at sino ang makapagtuturo kung kanino ang nasabing mga droga.

Nasaan na pala ang warehouse operator?

According to news article, HONG FEI LOGISTIC is owned by Cheng Juunlong, the shipper from China, at siya umano ang nagpapadala ng mga kargamento buhat sa China address  to EMT Trading  to do the processing  ng import entries, payment of duties and taxes.

Kung ano ang naideklara sa invoice at packing list  e ‘yun din ang isinusulat sa import entry received and signed by the Broker na si TJ M.

Ito bang si Cheng Juunlung ay Chinese national doing business  sa ating bansa? May working permit o wala? Na-verify ba sa Immigration kung ano ang visa status niya sa ating bansa?

Ano kaya ang naging statement nito during the  investigation by the concerned government  agencies regarding sa illegal drugs?

Aabangan natin ang kasagutan sa mga tanong natin sa imbestigasyon na gagawin ng kongreso!

Managot ang dapat managot, ‘di ba mga suki!?

PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal

About Ricky "Tisoy" Carvajal

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *