Saturday , November 23 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Nahuhulog sa tubig at patay si mommy

Ang ilog sa panaginip ay nagpapakita na hinahayaan mo ang iyong sariling buhay na magpalu-tang-lutang lang o kaya naman, sadyang nagpa-patangay ka na lang sa agos ng buhay. Panahon na para ikaw mismo ay magkaroon ng kontrol at direktang pagpapasya sa iyong kapalaran at buhay. Alternatively, ito ay sumasagisag din sa joyful pleasures, peace, at prosperity. Kung rumaragasa ang nakitang ilog sa iyong panaginip, ito ay may kaugnayan sa turmoil, tumultuous times, at jealousy sa iyong buhay.

Kung sa panaginip ay naliligo ka sa ilog, ito ay nagre-represent ng purification at cleansing.

Hindi ka dapat matakot dahil hindi naman literal ang kahulugan ng panaginip mo hinggil sa patay. Maaaring ang rason ng panaginip ukol sa patay ay may kaugnayan sa mga negatibong impluwensiya sa iyo ng ibang tao, pati na ang hindi magandang pakikihalubilo sa maling grupo ng mga tao.

Alternatively, maaaring simbolo rin ito ng material loss o kaya naman, ng pagkakahawig ng quality at pagkatao ng namayapa nang napanaginipan, sa kasalukuyang sitwasyon na kinakaharap. Ito  ay maaari rin namang isang paraan upang mas matanggap ang pagkawala ng mahal sa buhay at mas makapagpaalam na rin nang mas maayos.

Sa kaso, kung walang nag-trigger para ma-naginip ka ng ukol sa patay, maaaring ito ay nagre-represent ng manifestation ng takot mula sa iyong subconscious na mawala ulit ang iba pang mahal sa buhay.

Maaaring nagpapahayag din ang panaginip na tulad nito ang pangangailangang magdalamhati o kaya naman, pakawalan o pabayaan na ang isang bagay na naging bahagi mo at naging malapit sa iyo.

Nagsasabi rin ito na pag-isipan nang hingin ang tulong ng malalapit sa nanaginip, upang mas madali niyang malagpasan ang mga darating na suliranin o pagsubok.

Ang panaginip na nasaksak ay may kaugna-yan sa iyong struggles sa kapangyarihan. Maa-aring ikaw ay makadama ng kakulangan at ng defensiveness.

Alternatively, maaari rin namang makadama ka ng pagkakanulo o betrayal, tulad ng sikat na phrase na ‘sinaksak ka sa likod’ o pinagtraydoran. Ang panaginip mo ay may kaugnayan din sa damdamin mo at kung paano mo kokontrolin ang iyong emosyon. Maaaring paalala ito sa iyo na dapat mong linisin ang iyong sarili sa mga nakalipas mong damdamin at magkaroon ng bagong simula.

Kapag nanaginip na may sugat, may kaugnayan ito sa grief, anger, or distress. Maaaring ito ay paalala na kailangan kang maghinay-hinay at huwag madaliin na magpagaling. Ikonsidera rin ang mga bagay hinggil sa sugat sa iyong panaginip, tulad ng location, size at pati ang klase ng sugat.

Alternatively, ang ganitong panaginip ay posibleng isang uri ng metaphor na nagsasabing ikaw ay ‘wound up’ o tense sa ilang sitwasyon.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *