Monday , December 23 2024

Hugas-kamay si Trillanes

00 Kalampag percyNAHIHIBANG na yata si Sen. Antonio Trillanes IV nang tawagin niyang panggigipit ang direktiba ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI) na tugisin ang self-confessed death squad leader at retired police officer na si Arturo Lascañas.

Inatasan ni Aguirre si NBI Director Dante Gierran na makipag-ugnayan sa Interpol para matunton si Lascañas.

Ang direktiba ni Aguirre ay kasunod ng warrant of arrest na ipinalabas kamakailan ng Davao City Regional Trial Court Branch 10 laban kay Lascañas.

Si Lascañas ay kinasuhan ng attempted murder ni Gng. Louise Aguirre Pala, maybahay ng dating Davao brodkaster na si Jun Porras Pala.

Ibinase ng biyuda ang isinampang kaso kay Lascañas na umamin sa naunang pananambang kay Pala bago tuluyang matagumpay na napatay ang brodkaster noong Sept. 6, 2003.

Proseso ng batas at hindi panggigipit ang pagtugis sa isang puganteng tulad ni Lascañas na pumuslit palabas ng bansa noong buwan ng Abril.

Tungkulin lang ng DOJ na ipahanap ang sinomang wanted o pugante para malitis sa kinakaharap na kaso sakaling si Lascañas ay matuntong nagtatago sa bansa na mayroong ‘extradition treaty’ ang Filipinas.

Hindi sana nagtatago ngayon si Lascañas at tahimik na namumuhay dito kung walang Trillanes na gumamit sa kanya para pumasok sa malaking gulo.

Magkakaroon ba ng basehan ang mga kaso laban kay Lascañas at Matobato kung hindi sila umamin sa nagawang krimen?

Ngayong naipit sina Lascañas at Edgar Matobato sa pag-amin sa krimen ay sa administras-yon gustong isisi ni Trillanes ang kanyang kasa-lanan.

Maglalakas-loob ba sina Lascañas at Matobato na umaming nakagawa ng krimen kung walang gumamit sa kanila?

Gustong maghugas-kamay ni Trillanes sa panggagamit kay Lascañas at Matobato bilang mga testigo falso.

Sana, kung gaano katapang ginawa ni Lascañas ang pag-amin sa krimen ay buong katapangan din niyang harapin ang kaso bilang consequence ng kanyang pag-amin.

Sa matinding galit ni Trillanes kay Pres. Rodrigo R. Duterte ay lalo lang niyang ibinabaon si Lascañas at ang mga hawak niyang testigo.

Ang masaklap, pati pamilya ng mga naga-gamit ni Trillanes laban kay Pres. Digong at sa administrasyon ay nadadamay sa pagkabalisa.

Para que pa na tumakbo at nahalal na senador si Trillanes kung siya at ang kanyang pangkat sa Senado ay wala naman palang gagawin kung ‘di ang mag-isip ng magagamit na issue para i-distract ang administrasyon?

Kay Lascañas at sa walang kabuluhang mga isyu na lang gustong paikutin ng pangkat ni Trillanes ang mundo nating mamamayan at hindi titi-gil hanga’t hindi nananatili sa puwesto si Pres. Digong.

Prehuwisyo lang ang pakay ni Trillanes at ng kanyang mga kasamahang inutil sa Senado, im-bes na taongbayan ay sila lang ang nakikinabang sa kanilang mga pinaggagagawa.

Halatang panggugulo na sa bansa ang pinaggagagawa ni Trillanes at ng kanyang pangkat sa Senado.

Kung hindi naman pala kayang gampanan ng pangkat ni Trillanes ang trabaho ng senador, dapat ay magsipag-resign na lang sila at baka saka-ling maging epektibo pa ang kanilang mga paninira kapag wala sila sa puwesto.

Ang dapat sa prehuwisyong pangkat ni Trillanes ay bumili na lang ng sarili nilang oras sa mga estasyon ng radyo kung puro pangongomentaryo lang pala ang alam nilang gawin sa Senado.

At para matapos ang kuwento, pasukuin na lang ni Trillanes si Lascañas at nang kahit bahagya ay makatipid naman ang gobyerno sa paghahanap sa kanyang alaga.

PALITAN SI ALEJANO!

PANUKALA raw ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na palitan ang pangalan ng ating bansa.

Payag kaya si Alejano kung sila na lang mga mambabatas sa Kamara at Senado ang palitan?

Tulal, sila lang naman ang talagang nagpapagulo at nagpapahirap sa bansa at mamamayan, ‘di ba?!

Mas may pakinabang pa ang mamamayan kung walang Kamara at Senado dahil malaki ang matitipid natin kung mababawasan ng mga inutil at walang-silbing pasuweldohin ang gobyerno.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *