SINIBAK ang isang police dog sa kanyang trabaho, ngunit ito ay para sa pinakamabuting dahilan.
Ang isang taon gulang na si Gavel ay “too friendly” para magtrabaho sa pulisya.
Mahilig ang tuta sa paggulong at pagpapahimas ng kanyang tiyan kaysa magpakita ng kabangi-san sa mga kriminal.
Nabigo ang police dog-in-training na makapasok sa final cut para sa Queensland Police Service sa Australia dahil sa kanyang “overly-sociable temperament.”
Ngunit sa kabutihang palad ng aso, siya ay inalok ng bagong trabaho, ang pagsalubong sa mga bisita sa Brisbane’s Government House bilang official Vice-Regal Dog ni Governor Paul de Jersey.
At ang German Shepherd na si Gavel, na agad naging malapit kay Governor de Jersey at sa marami pang Australians na kanyang sinasalubong araw-araw, ay naging social media star.
Sinabi ng spokesman ng Queensland Government House, “Gavel arrived at Government House in April last year as a six-week-old puppy.
“It was intended that he would undergo a training and socialisation programme preparing to become a Queensland Police Service Dog.
“But like many aspiring QPS Dogs, Gavel did not display the necessary aptitude for a life on the front line.
“Not all dogs display this, and Gavel proved himself to be quite sociable.”
Dagdag niya, “He is better suited to life as a ceremonial dog and will instead now spend his working days at Fernberg, where he has become a much-loved part of Government House life.” (mirror.co.uk)