Saturday , November 23 2024

Robot ‘priest’ inilunsad

ANG robot ‘priest’ na naglalabas ng liwanag mula sa mga kamay nito at nakapagbibigay ng automated blessings sa mga mananampalataya ay inilunsad kamakailan sa bayan na naging tanyag si Martin Luther at sa Protestant Reformation.

Makalipas ang limang daan taon makaraan ilathala ni Luther ang Ninety-five Theses sa Wittenberg, nagpasimula sa Reformation, naglunsad ang evangelican church ng kakaibang automated blessings robot para sa espesyal na pagdiriwang sa makasaysayang bayan sa German state of Saxony-Anhalt.

Ang robot na ipinakita sa lumang bayan ng Wittenberg ay tinawag ng si “BlessU-2,” ito ay ini-deve-lop ng Evangelical Church sa Hesse and Nassau.

Ito ay may nakakabit na metal box na may touch screen, dalawang braso, at may ulo na may mga mata, at digital mouth.

Makaraan bumati ang robot sa users ng “warm welcome”,  magtatanong ito kung nais n’yo bang bang i-bless ng boses ng lalaki  o boses ng babae.

At pagkaraan, magtatanong sa mananampalaya ng “what blessing do you want”, na magreresulta sa paglalabas ng mechanical sound habang itinaatas ang mga braso sa langit at magsisimulang ngumiti.

Makaraan ito, magla-labas ng liwanag ang mga kamay ng robot at sasabi-hing “God bless and protect you” at mag-uusal ng biblical verse.

Pagkaraan nang pagbabasbas, ang user ay may maaaring iimprinta ang dictum.

Sinabi ni Church spokesman Sebastian von Gehren, “It is an experiment that is supposed to inspire discussion.”

Ipinaliwanag ni Von Gehren, nagdesisyon silang ibahin naman sa typical human appearance ang pari.

Aniya, tumanggap sila ng iba’t ibang reaksiyon kaugnay nito. “One half thinks it’s great while the other cannot imagine a blessing from a machine.”

Ngunit sinabi ni von Gehren, natuwa sila dahil ang mga taong minsan lamang ang pagdalo sa misa ay dumalas na ang pagtu-ngo sa simbahan dahil sa robot.

Aniya, “now coming every morning and evening.”

Sinabi ni Brunhilde Hoeltz-Mettang, bumisita sa simbahan sa Wittenberg, ang robot ay “interesting and courageous” bagama’t kulang ito sa “human touch.”

Ngunit tiniyak nilang hindi papalitan ng robot priest ang mga taong pari.

Sinabi ni Von Gehren, “The machine should not replace the blessing of a pastor. In the future there will not be a blessing robot in every church.”

(mirror.co.uk)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *