Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sec. Bello, magbitiw ka na!

SA Mayo 1, Araw ng Paggawa, hihilingin ng libo-libong manggagawa kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni Labor Secretary Silvestre Bello III.  Sa halos isang taong panunungkulan ni Bello sa Department of Labor (DOLE), bigo siyang maipakita ang kanyang pagkalinga sa mga manggagawa.

Hindi nagawang buwagin ni Bello ang contractualization, at sa halip pinalakas at pinalawig pa niya ito na kapaki-pakinabang sa mga negosyanteng nagmamay-ari ng malalaking kompanya.  Sinira ni Bello ang kanyang mga pangako sa mga manggagawa na kanyang ititigil ang kontraktuwalisasyon sa bansa.

Sinungaling si Bello! Kinatigan ni Bello ang interes ng mga negosyante at hindi ang interes ng mga manggagawa.

Ang galit ng mga manggagawa sa Labor Day ay dadagundong para patalsikin si Bello sa kanyang puwesto.

Kailangang pakinggan ni Duterte ang kahilingan ng mga manggagawa na sibakin na si Bello sa kanyang puwesto para tuluyang mabuwag na rin ang contractualization. Sa Araw ng Paggawa, mapapatunayang panig si Duterte sa mga manggagawa kung sisibakin si Bello na itinuturing na tuta ng mga kapitalista.

Sa Mayo 1, Araw ng Paggawa, sabay-sabay ang magiging sigaw ng mga manggagawa: Wakasan ang kontraktuwalisasyon. Bello, magbitiw ka na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …