Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Uulan ng Palakol sa Mayo

SA pagpasok ng buwan ng Mayo, magsisimula na ang pagtatapos ng one-year ban para sa appointment ng mga natalong kandidato noong nakaraang eleksiyon ng 2016.  Ang ibig sabihin, malaya nang makapagtatalaga si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ng mga bagong miyembro ng kanyang gabinete.

Dahil dito, marami sa mga cabinet members ni Duterte ang nagangamba na masisibak sila sa kani-kanilang puwesto sa darating na Mayo. Hindi garantiya na komo naging mahigpit silang supporters ni Duterte noong nakaaang eleksiyon ay hindi na sila sisibakin sa kanilang puwesto.

Pinaniniwalaang ang pagsibak kay DILG Sec. Ismael “Mike” Sueno ay bahagi ng paglilinis ni Duterte sa kanyang administrasyon na nakatakdang pasimulan sa Mayo.  Inaasahang sa Mayo ay maraming cabinet members at ilan pang opisyal ang masisibak at papalitan sa kanilang puwesto ng mga kandidatong natalo.

Sinasabing ang pagsibak kay Sueno ay preparasiyon para kay dating MMDA Chairman Francis Tolentino na papalit bilang pinuno ng DILG. May ugong ding si dating Sen. Bongbong Marcos ang papalit kay Labor Sec. Silvestre Bello III at si Sen. Alan Peter Cayetano naman ang itatalaga bilang DFA secretary.

Isa pang lumulutang na papalitan sa kanyang puwesto ay si Customs Commissioner Nicanor Faeldon kabilang na si SBMA Chairman Martin Dino.

Sino naman kaya ang papalit bilang administrator ng POEA at OWWA?

Abangan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …