Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lumayas kayo sa super majority!

HINDI na kailangang hintayin pa ng anim na kongresista na kabilang sa Liberal Party (LP) na sibakin sila ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa kani-kanilang puwesto nang hindi sila bumoto pabor sa Death Penalty Bill.

Nakahihiyang sa kabila nang pagkontra nila sa Death Penalty bill, kapal mukhang nagawa pa rin nilang manatili bilang kasapi ng super majority. Nasaan ang prinsipyo ng mga mambabatas na kabilang sa LP?

Ang anim na LP representatives na  kabilang sa super majority na may hinahawakang puwesto sa Kamara ay sina Rep. Josephine Ramirez-Sato, Rep. Vilma Santos-Recto, Rep. Sitti Dialia Turabin-Hataman, Rep. Arlene ‘Kaka’ Bag-ao, Rep. Kit Belmonte at Rep. Raul del Mar.

Hindi lang tuso kundi magulang ang anim na kongresista na hanggang ngayon ay ayaw pa ring bumitiw sa super majority. Hindi ba nakikinabang sila sa kani-kanilang puwesto kaya ayaw nilang layasan ang kanilang posisyon?

Kung hindi kasi masikmura ng anim na LP congressmen ang priority bills na isinusulong ng House leadership, dapat noon pa lang ay hindi na sila sumama sa super majority. Malinaw na kaya hindi bumibitiw ang anim na LP members ay dahil sa pinakikinabangan nila ang kanilang puwesto sa Kamara.

Kapal!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …