Monday , May 6 2024

International offer kay Liza, niluluto na

At sa balitang may international offer si Liza.

“Naku, mahadera na naman ako, basta may pinu-push ang Star Magic na makilala ang artista ng Star Magic o ABS-CBN sa ibang bansa. So hindi ko alam kung si Liza lang, basta alam ko, kasama siya. So mayroon siyang (Liza) stint doon,” tumawang sabi pa ulit ng komedyante.

At kung may offer daw sa Hollywood sa dalaga, ”why not, siyempre ano ‘yun medalya ng Filipino ‘yun at saka dollars ‘yun,” diretsong sagot ni Ogie.

Katwiran pa ni Ogie, ”basta gusto kasi ng ABS na ma-penetrate rin ng mga artista nila ang ibang bansa.”

At pagbalik daw ng LizQuen ay doon palang ihahatag sa kanila ang next movie project nila at ang teleserye ay sa susunod na taon na ulit.

Napag-usapan din ang tungkol sa beauty contest kung papayagan ni Ogie na sumali si Liza.

“Hindi pa niya nararamdaman na gusto niya kasi alam ni Liza na sobrang kailangan niyang mag-concentrate kung talagang sasali siya. Kakarerin niya ang Binibini.

“Ako naman hindi ko siya pinu-push kasi rito (pag-artista) siya malakas so, rito tayo mag-concentrate. Kasi kung diyan (beauty contest) lahat ng panahon mo ibibigay mo riyan, magpapaganda ka talaga ng katawan, training kay Jonas Gaffud, eh, paano kung nasilat siya, eh, ‘di mas nakahihiya.

“Kaya (sabi ko), rito ka na sa star ka, siyempre may kita rin ako rito ‘no? Ano ba praktikal lang tayo, ha, ha, ha,” diretsong sabi ng manager ng dalaga.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bea Alonzo Cristy Fermin Ogie Diaz

Bea Alonzo naghain ng kasong cyber libel vs Cristy Fermin, Ogie Diaz

SINAMPAHAN ng tatlong magkahiwalay na cyber libel sa Quezon City Prosecutor’s Office ni Bea Alonzo …

050324 Hataw Frontpage

Cedric Lee, Deniece Cornejo, 2 pa
RECLUSION PERPETUA IPINATAW vs KIDNAPPERS NG ACTOR/HOST

(ni NIÑO ACLAN) PINATAWAN ng parusang reclusion perpetua o  habangbuhay na pagkabilanggo sina Cedric Lee, …

Kathryn Bernardo Alden Richards  Queen of Tears

Alden at Kathryn wagi sa poll para gumanap sa Pinoy adaptation ng Queen of Tears

MA at PAni Rommel Placente PINAG-UUSAPAN  ngayon lalo na sa social media ang K-Drama na Queen …

Sunshine Cruz Bench Body

Sunshine ayaw pag-usapan ang lovelife—I’d rather keep it private

MA at PAni Rommel Placente AS much as possible, ayaw na ni Sunshine Cruz na …

Angeli Khang Bea Alonzo Dominic Roque

Angeli natakot lumabas nang isangkot sa hiwalayang Dominic-Bea

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA na ang sexy star na si Angeli Khang na isinasangkot sa hiwalayan nina Bea …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *