Friday , December 9 2022

Tom, ‘di naiinggit o itinuturing na karibal (Sa mga tagumpay at pagkilalang nakukuha ni Dennis)

TUMANGGP ang Drama King na si Dennis Trillo ng Asian Star Prize sa Seoul International Drama Awards sa South Korea.

Inintriga tuloy si Tom Rodriguez kung may extra effort ba siya na mapantayan si Dennis. Iisa kasi ang manager nila, si Popoy Caritativo ng Luminary Talent Management.

May pressure ba na galingan niya para hindi siya mapahiya ‘pag ikinukompara siya kay Dennis?

“No, no! The thing is, ang gusto ko sa Luminary, and the way Popoy handles all of us, magkakapatid kami. Ang sarap ng pakiramdam na ganoon, wala akong kuya, eh! Anim kaming magkakapatid, ako ang pinakamatandang lalaki pero rito may kuya ako. Kung ako ‘yung tagapayo sa mga kapatid ko, rito may  mga nagpapayo sa akin, may mga kasama ka, may barkada ka, na really wishes the best for you!

“And I wish the best for them, ‘yung mga naa-achieve nila, nai-inspire ako. Lalo na kay Dennis, who I really look up to, as an actor, grabe! And kung paano sila magbigay, I take cues from them, eh.

“Si Dennis hindi madamot at ‘yung ginagawa ko lang, natututo ako sa mga nakakatrabaho ko, so tina-try kong i-embody ‘yung nakikita kong kalidad na gusto ko ring magkaroon sa sarili ko. So ‘pag nakita kong napakagaling niya, napaka-mapagbigay, sabi ko, iyan ‘yung gusto kong maging. I’ll follow that path and I’m happy to say na, well sila, Raf (Rafael Rosel), JC (Tiuseco), AJ (Dee) sila Dennis, andoon eh, ramdam mo ‘yung ganoong klase na samahan,” deklara pa ni Tom.

Hindi raw siya naiinggit o itinuturing na karibal si Dennis.

“I don’t look at it that way, eh. Because ang liit ng industriya nating ito, there’s enough space for everyone and I’m proof of that,” sey pa niya.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Paolo Contis Yen Santos Lolit Solis

Relasyon nina Paolo at Yen ibinuking ni Lolit 

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang ibinisto ni Manay Lolit Solis na ang aktres na si Yen Santos ang lucky …

Blind Item, Mystery Man, male star

Designer nagbabala baho ni male starlet ibubunyag

ni Ed de Leon MATAPOS na mapadalhan  ng “supposed to be pamasahe” niya papunta sa …

Vhong Navarro Arrest NBI

P1-M piyansa pinayagan
VHONG PANSAMANTALANG MAKALALAYA

HATAWANni Ed de Leon MABILIS na kumilos ang legal team ni Vhong Navarro para maihanda ang itinakdang …

Matet de Leon

Matet tinapos relasyon sa ina at pamilya

HATAWANni Ed de Leon NAUUNAWAAN namin at alam naming masamang-masama ang loob ni Matet sa kanyang sinasabing …

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Leave a Reply