Saturday , May 18 2024
Ogie Diaz Liza Soberano

Liza, binigyan ng tig-isang bahay at sasakyan ang mga magulang

Si Liza Soberano ay ipapa-drug test din ba ng manager?

“Star Magic ang nagko-call niyon, pero oo naman, puwede rin naman siya anytime. Kaya lang nasa New York (USA), pauwiin ko?” hirit ulit ng katotong Ogie.

Tinanong namin ng diretso si Ogie kung ano na ang real score ngayon nina Liza at Enrique Gil.

“Ano ba sabi nila?”  balik-tanong ng katoto.

“Ako, sa tingin ko sila, pero sino naman akong mahadera na magsasabi. Hayaan mo silang umamin kung gusto nilang umamin, pero parang wala silang date (anniversary), parang naramdaman lang nila. ‘Di ba ‘pag may date, mayroon ding split-up ‘yung date,” paliwanag ni Ogie.

Hirit ulit namin na hindi natupad ang pangako ni Liza na hindi muna  magbo-boyfriend.

“Hindi naman, kasi 18 (years old) na siya, at saka ano naman Reggee, mayroon na siyang bahay,” diin sa amin.

Natupad na raw lahat ni Liza ang mga pangakong bibigyan ng tig-isang bahay ang magulang niya at mga sasakyang magagamit kaya sarili naman ng dalaga ang isine-secure.

Dagdag pa, ”actually ano (aware) naman si Liza sa mga morality clause ng kontrata niya. Partikular siya roon, ‘pag maraming bawal, hindi niya ginagawa.”

At pambubuking pa ni Ogie, ”yung kissing scene nga, ang galing nga ‘yung sa ‘Dolce’ (sabay muwestra na dinaya) kasi ayaw din ni Liza ang kissing scene.”

Matagal na raw gusto ni Ogie na magkasama sila ni Liza sa iisang project, pero mukhang matatagalan, ”ano kasi ako, puro ako Dreamscape, siya (Liza) Star Creatives. Gusto kong magkasama kami kasi double job ako r’yan.”

Puwede namang magsama sa MMK o Maalaala Mo Kaya, tanong ng mga katoto.

“Ako talaga, tatay? Itong mukhang ito ang produkto siya?” sabi pa.

Katwiran namin, ‘huy, ang gaganda ng mga anak mo kaya.”

Samantala, inalam din kung humihingi ng payo si Liza pagdating sa lovelife.

“Hindi kailangan, matalino ‘yung bata (Liza). Pero lagi ko siyang pinapaalalahanan sa mga contract, ‘yung contract namin sa endorsements kung ano ang dapat iasal sa public,” kuwento ni Ogie.

Lagi raw nag-uusap sina Ogie at Liza para sa updates ng career nito, ”like pagdating niya galing New York, mag-uusap kami.”

Nabanggit na rin na kasalukuyang nakabakasyon ngayon sina Liza at pamilya nito sa New York.

“Oo kasi pinapunta niya ‘yung grandma niya sa mom’s side at kapatid niya sa New York, tin-treat niya at kasama rin si Quen at mommy niya rin,” pahayag pa ng manager ng dalaga.

Sa madaling salita, ipinakilala na ni Liza ang pamilya niya sa magulang ni Enrique.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *