Tuesday , May 7 2024

Pulis at LGUs isama sa anti-illegal drug lectures sa kabataan – DepEd

NAKIPAGSANIB-PUWERSA ang National Capital Region Police Office (NCPRO) sa Department of Education (DepEd) kasunod nang serye ng bomb threats at mga banta sa ilegal na droga sa mga paaralan at unibersidad sa Metro Manila.

Una rito, nagkaundo sina NCRPO Regional Director Chief Supt. Oscar Albayalde at DepEd Asec. Jesus Mateo na magtatag ng protocol kung paano mas mapabibilis ang pagre-report ng mga paaralan sa mga awtoridad patungkol sa bomb threats .

Sinabi ni Mateo, ang mga magulang ang may pangunahing papel sa pagkontrol sa pagkalat ng mga maling impormasyon sa bomb joke.

Ayon sa kanya, dapat unang i-report ng mga guro sa mga awtoridad ang nasabing bomb scare bago ipaalam sa mga magulang ng mga estudyate.

Binigyang din ng direktiba ni Mateo ang mga paaralan na isama ang mga pulis at local government units (LGUs) sa anti-illegal drug lectures sa mga kabataan.

Samantala, nagpaalala si DepEd NCR Regional Director Dr. Ponciano Menguito na huwag nang magpakalat ng bomb jokes o kaya’y mahaharap sa parusa batay sa PD 1727 o Anti-Bomb scare joke law.

Sa gitna ng mga pagbabanta, tiniyak ni Albayalde sa publiko na mas pinaigting ang presensiya ng mga pulis at barangay tanod sa paligid ng mga paaralan para sa kaligtasan ng mga estudyante.

( ROWENA DELLOMAS-HUGO )

About Rowena Dellomas-Hugo

Check Also

electricity meralco

Hangga’t hindi resolbado
ERC ‘WAG GUMAWA NG AKSIYON SA BAGONG POWER DEALS — SOLON

HINILING ng vice chairman ng House committee on energy sa Office of the Solicitor General …

050624 Hataw Frontpage

Van bumaliktad sa Cebu 
2-ANYOS BATA, 1 PA PATAY, 21 SUGATAN

DALAWA katao ang namatay habang 21 iba pa ang nasaktan nang bumaliktad nang maraming beses …

PRO IV-A kinilala tagumpay, momentum ng anti-illegal drug ops

PRO IV-A kinilala tagumpay, momentum ng anti-illegal drug ops

GINAGABAYAN ng Philippine Anti-Illegal Drug Strategy, ipinagmalaki ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang mga pagsisikap …

705 KATAO ARESTADO SA ANTI-CRIMINALITY OPS NG LAGUNA PNP

Sa buwan ng Abril,  
705 KATAO ARESTADO SA ANTI-CRIMINALITY OPS NG LAGUNA PNP

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 705 personalidad sa Anti-Criminality Operation ng Laguna PNP …

2 manyak na kelot sa Bulacan tiklo

2 manyak na kelot sa Bulacan tiklo

DALAWANG lalaki na kabilang sa most wanted persons (MWPs) ang magkasunod na nadakip sa magkahiwalay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *