Saturday , December 21 2024

Narito na ang pagbabago

ANG sabi ng nakararami, change is coming. Mali, at sa halip narito na ang pagbabago at magpapatuloy ito kapag umupo si Pangulong Digong Duterte.

Ba’t natin nasabing nagsimula na ang pagbabago. Hindi ba’t araw-araw nang may napapatay na tulak?

Hindi na bago ang ‘pagtumba’ este, ang napapatay na mga tulak, carnapper, holdaper at iba pa pero iba nga na ngayon. Hindi na kasi once in a month o once in a week na nakikipagbarilan ang mga tulak kundi araw-araw na. Hayun, dahil nanlaban, patay ang mga tulak. Umaabot na yata sa 60 pushers ang napapatay.

Lamang, mukhang hindi natutuwa si Pangulong Digong sa mga naitutumba, este napapatay pala. Anang Pangulo, mukhang ang mga napa-patay ay mga police asset o alaga ng mga pulis.

Kaya raw napapatay dahil sa takot na baka ikanta sila kapag iuwi silang buhay sa presinto. Pero sabi ni Pangulong Digong, hindi maitatago ng mga tiwaling pulis ang katotohanan. Malalaman at malalaman din niya ang katotohanan.

Oo nga naman, bakit laging napapatay kasi, puwede naman silang hulihin nang buhay. E nanlaban nga kasi sila.

Ang nakatatawa lang, laging may nangyayaring himala sa hanay ng pulisya na nanghuhuli. Hindi sila tinatablan ng bala o kayang-kaya nilang ilagan ang bala.

Hindi ba laging sinasabi ng mga pulis kaya napatay ang mga salarin ay dahil nauna silang pinaputukan? O wala man lang ba natatamaan sa mga pulis kahit malapitan silang pinapuputukan?

Drawing man daw ang lahat ‘ika ng nakararami, okey na raw iyon basta’t ang mahalaga ay nababawasan na ang mga tulak at bilang na ang araw ng mga nalalabi. Pero nasaan ang amo ng mga street dealer/pushers? Nananati-ling nakalalaya at patuloy sa pagluluto ng shabu.

E paano kung hindi naman totoong sangkot sa droga ang ilan sa napatay? Paano din kung hindi nga sangkot ang ilan sa naaresto?

Katulad na lang ng ginawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kay Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino at kasama nitong Chinese national na si Yan Yi Shuo.

Idiniin ng PDEA na sangkot sa  paggawa ng droga ang dalawa lalo na si Marcelino kaya kinasuhan. Hayun, kinaladkad at ipinahiya sa publiko ng PDEA si Marcelino. Pero sa banda huli, bumalandra ang lahat sa PDEA – sila na ngayon ang napahiya matapos ibasura ng Department of Justice (DOJ) ang isinampa nilang kaso laban kay Marcelino.

Ani DOJ Sr. Deputy State Prosecutor Theo-dore Villanueva sa kanyang 15 pahinang resolution kamakalawa, wala siyang nakitang sapat na ebidensiya para isangkot si Marcelino sa paggawa ng droga.

Binanggit sa resolution, “the DOJ cited insufficiency of evidence in dismissing the charges of conspiracy in the manufacture and possession of illegal drugs under Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) filed by the Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) and PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) against Marcelino and Yan Yi Shuo.

“Evidence must be presented to show that Marcelino and Yan had prior knowledge of what was to be found inside and what the two decided to do with the contents of the house after opening the house.” “… the assumption of PNP and PDEA that Marcelino and Yan were very familiar with the house “could be a speculation.”

Yan was allegedly an informant of the PDEA, where Marcelino once headed a unit. “… the two were not seen at the premises during the surveillance operations of the PDEA and PNP, which targeted a certain Lo Chi alias “Tanda,” Atong Lee alias “Atong” and a certain Chu.”

Ilan lamang ito sa nilalaman ng resolution na napaulat sa pahayagan.

Ngayon ang katanungan, kaya ba itinutumba ngayon ang mga sinasabing sangkot sa droga, dahil sa takot ng mga pulis na mabuko ng korte sa bandang huli ay hindi pala tulak ang lahat na nahuhuli o  napapatay? Ano sa tingin ninyo?

Change is coming…narito na at nararanasan na, pero ang lahat naman sana ay idaan sa tamang proseso maliban siyempre sa mga manlalaban at mang-aagaw ng baril.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *