MATABIL
ni John Fontanilla
MULA sa pagiging Beauty Queen, author, at International Fashion Designer pinasok na rin ni Joyce Pen̈as Pilarsky ang recording sa pamamagitan ng Walang Imposible mula sa kolaborasyon nila ni Maestro Vehnee Saturno.
Tampok sa awitin ang isang nakai-inspire na kuwento ng naging journey ni Ms Joyce sa pagsabak sa Ms Universe Quezon City, na sa edad 69 ay nakapasok at umabot ng semi-finals at nanalo ng special awards.
Isa itong patunay na hindi kailanman hadlang ang edad sa pagtupad at pagsubok sa mga bagong pangarap.
At sa edad 72 ay ang mundo naman ng musika ang gusto niyang tahakin sa isang sure hit na awiting Walang Imposible na opisyal ng inilunsad noong Setyembre 18, 2026, sa Teatrino sa Greenhills, San Juan City via Grand Mediacon with Maestro Vehnee kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Nagsilbing host si John Nite at sa direksiyon ni Ladine Roxas-Saturno.
Available na ang awitin ni Ms Joyce sa Spotify at sa iba pang streaming format worldwide. Mapapanood na rin ang kanyang music video sa Youtube.
