Wilbert ikinagulat pag-endoso ni Mario Maurer sa Pee Mak PH

Mario Maurer Pee Mak Viva Wilbert Ross Bea Binene

I-FLEX
ni Jun Nardo

GULAT si Wilbert Ross sa endorsement ng Thai actor na si Mario Maurer na naging bahagi ng hit Thai movie na Pee Mak.

Eh may PH adaption ang movie na may congratulatory message si Mario na naging malapit din sa mga Pinoy at nagpunta na rin sa bansa.

Hinikayat ng Thai actor na panoorin ang movie na showing na sa October 16.Kapareha niya rito ang special loveteam niyang si Bea Binene at ang iba pang kasama sa movie ay sina Van Doplh, TJ Valderrama, Gian Bernardino, Candy Pangilinan, Jerome Ponce, at Janno Gibbs.