MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI maitago ng Festival Director ng 2026 Puregold CinePanalo Fim Festival na si Chris Cahilig ang sobra- sobrang kasiyahan sa tagumpay ng opening nito noong Miyerkoles, September 23, sa Gateway Cineflex.
Dumagsa ang maraming tao na gustong mapanood ang magagandang pelikulang hatid ng Puregold CinePlano Film Festival.
Halos lahat nga ng pelikulang palabas ay sold out na ang tickets hanggang gabi.
Ayon nga kay Sir Chris, “Nakagugulat lalo na rito sa Gateway na nandito tayo ngayon, parang kaninang umaga pa lang ‘yung 11:30 a.m. ‘yung first screening marami na ang nanood, almost sold out na.
“Parang ngayon ang hirap na talagang makabili ng ticket, ang dami talagang tao for a Wednesday, you know na opening screening.”
Dagdag pa nito, “So just imagine kung ano mangyayari this weekend, I know mas maraming gustong manood ng weekend.
“So it’s very overwhelming, maraming salamat sa Puregold dahil ang dami nilang paganap.
“Alam niyo bang mayroon kaming 10,000 gift packs na ipinamimigay, kasama pa ‘yung kanina, ‘yung may mga custom na canvas bags, tomorrow may bago na naman. So, abangan niyo kung ano ang pasabog ng Puregold sa linggong ito.
“Yes magaganda ‘yung pelikula, pero siyempre iba pa rin ‘yung may giveaways, pero magaganda talaga ‘yung mga pelikula. Kaya mayroon o walang giveaways people have to watch Puregold CinePanalo kasi sobrang ganda ng mga pelikula,” pagmamalaki pa ni Chris.
Natutuwa nga ito sa usap-usapn ng mga Gen Z sa X (dating Twitter) na excited nang makapanood ng mga pelikulang kasama sa Puregold CinePanalo Film Festival 2026.
“Ang nakatatawa kasi on X, kita mo ‘yung usapan ng mga Gen Z natin na followers. Sabi nila sayang may finals sila o may exams sila o may gagawin sila at baka weekend pa sila manood.
“Kasi it’s the most happening thing now in Philippine Cinema, so I’m so happy, it’s happening.
“Dream namin ito na ganito kalaking crowd ang makuha namin, and it’s happening, and this is just going to be much bigger next year ,” pagtatapos ni Sir Chris.
