Astrid Lee Sid Lucero

MATABIL
ni John Fontanilla

GUSTONG makatrabaho ni Astrid Lee, lead actress ng VMX movie na Daddy’s Girl si Sid Lucero

Bukod kasi sa magaling itong aktor ay napaka-professional pa pagdating sa trabaho.

Kuwento nga ng sexy star, “Gusto ko pong maka- work si Sid Lucero, balita ko kasi magaling siyang actor,  tapos super professional. 

“Napanood ko na rin ‘yung ibang film niya magaling siya talaga.”

Ayon kay Astrid mas attracted siya sa lalaking may edad.

“Para sa akin po gusto ko ‘yung daddy talaga, ‘di ko nga alam kung bakit eh.

” Nagkakagusto ako sa 30, 35, 40 hindi ko alam kung normal pa ba ‘yun, ‘yung 45 puwede pa rin.”

Naka-experience na rin ito ng Indecent proposal mula sa isang matandang lalaki, pero hindi nito tinanggap.

“Noong last presscon ko po mayroon na ring nag-ask sa akin niyan. 

“Mayroon na pong nag-offer sa akin pero ‘di ko tinanggap, kasi hindi naman po kailangan eh.

Maraming natutunan si Astrid sa VMX movie na Daddy’s Girl.

“Siguro nailabas ko rito ‘yung pagiging sexy habang nagho-host.

“Kasi ‘yung background ko sa hosting dati ‘yung parang fun fun lang.

“Pero rito naman (Daddy’s Girl) iba siya, kasi nagti-tease ka talaga. 

“Alam mo ‘yung parang pini-feel mo ‘yung sarili mo habang nagho-hosting ka. 

“And that time feeling ko hindi ako si Astrid, feeling ko ibang tao ako.”

Ang Daddy’s Girl ay mula sa direksiyon ni Christian Paolo Lat at magsisimulang mapanood sa  Aug. 11 exclusively on VMX.