Alecca Adarna palaban, gagawa ng sariling pangalan sa showbiz,
HARD TALK
ni Pilar Mateo
NANG banggitin pa lang ang pangalan niya sa presscon para sa pelikulang Todo Kayod 2 ni Direk Roman Perez, ang daming naging tanong lay Alecca Adarna.
Una, kung kadugo ba niya ang showbiz denizen na si Ellen Adarna.
May pag-aatubili ang unang sagot niyang “Maybe“. Habang patingin-tingin kay Direk Roman.
Lalong nagduda ang press.
Ang iba nga nag-Google na. Kaya inisip na malamang iniiwasan talaga nito dahil may sinasabi ang pamilya nito sa Cebu. Na pinagmulan din ni Ellen.
So, nasagot na magka-dugo sila. Nagmula sa.prominenteng pamilya ng Cebu. Nabanggit sa Google na ang pamilya niya ang nag-construct ng dinarayong tourist attraction sa Cebu, ang Temple of Leah(named after Leah Albino Adarna), dumami na ang pagpapa-one plus one. Dami ng kesyo-kesyo.
Na malamang binabawalan siya na ‘wag mag-delve o banggitin o kaladkarin ang name ng kamag-anak ngayong pumapasok na rin siya sa showbiz.
Eh, sa itsura ni Alecca, ‘di mo iisiping ‘di siya kamag-anak ni Ellen. Tabas ng mukha, pati magsalita at sumagot sa mga tanong, pasok.
Pero sigurado, marami silang pagkakaiba. May dalawang anak na si Alecca. May busines na wellness spa. Graduate ng Enderun. At she’s into visual arts dahil marami na pala itong sinalihang gallery exhibitions ng kanyang resin and abstract works. She’s also a writer. And a digital marketing specialist with a background in the hospitality sector.
Nakasama na pala siya sa pelikulang A Special Memory at ikalawa na nga itong Todo Kayod 2.
Sigurado namang sa akting na ipinamalas nila ng kaeksena niya sa pelikula na si Sahara Bernales sa non-narrative project ni Direk Roman, mapapansin ang mga mukhang ito sa VMX ng Viva.
Palaban!
“I don’t have limitations,” ang sambit nito nang usisain kung hanggang saan ang pwede niyang gawin sa pelikula.
Samantala, kaya rin pala inspired si direk Roman (na ‘di nakilala dahil sa bagets na itsura) sa kanyang mga artista eh, dahil sa magagandang mukhang bumalandra na sa kanya noong 90s.
Panay ang banggit nito kay Amanda Page. At Leah Orosa. Na pawang Viva artists.
Ibang paraan ng pagsasaad ng people from all walks of life ang sasalaminin ng mala-docu style na pelikula. Ang mga todo-kayod na humaharap sa araw-araw na buhay.
Ang ka-back-to-back sa presscon ng Todo Kayod 2 ay ang Daddy’s Girl naman ng bagets na umiidolo kay direk Roman na si Christian Paulo Lat. Na mas gusto makita ng press na isang artista sa VMX.
Ang artista naman nito ay si Astrid Lee.
Na nang pangarapin ang mapasok sa showbiz ay sari-sari munang reality shows ang tinangkang tuntungan.
Pero heto na siya sa isa na namang mapaghamong papel.
Wala itong idea sa daddy. Dahil seven years old pa lang siya eh, wala na siyang nakilala o nakitang tatay.
Sa Daddy’s Girl naman, naipaliwanag sa kanya ang role niya sa pelikula.
Pero in real life, hindi raw siya magkakaroon nito. Lalo na kung may asawa na ang lalaki. Mas bata ang feel niya at binata.
When asked, lumabas sa labi niya ang ngalang Albert Martinez lalo nang malamang wala itong asawa ngayon. Kinilig!
Abangan na ang dalawang ilalantad ng VMX sa halagang P169.
Hubaran man ang genre, sensitibo man sa mga manonood, tatangkilikin pa rin dahil sa taglay na intensyon ng mga tao sa likod nito.
